^

True Confessions

Suklam (71)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi ko na sana ito ipagtatapat pa sa iyo Brent pero naisip ko mas maganda nang malaman mo. Tutal naman at nagkaroon na ng sira ang ating pamilya, ano pa ang iingatan. Ang sa akin, dapat mong malaman ang lahat at para na rin may maipayo ka kung sakali kay Julio. Uulitin ko, ang isang babae na nagkasala sa kanyang asawa ay hindi na dapat pang pagkatiwalaan. Huwag na huwag!’’ sabi ni Tatay ni Brent sa mariing boses.

“Anong nangyari Tatay?’’

“Nahuli ko ang nanay mo—mga dalawang taong gulang ka nun. Hindi ako bumiyahe noon dahil masama ang aking pakiramdam. Nagtaka ako nang magpaalam siya. Bihis na bihis. Nang tanungin ko kung saan pupunta, sa kaibigan daw niyang babae na bagong dating mula U.S. Saglit lang daw siya.

“Naghinala ako dahil mabangung-mabango siya na para bang may pinaghahandaan. Kung kaibigan lang niyang babae, bakit bihis na bihis at maba­ngung-mabango?

“Naghinala ako. Pagkaalis niya, dali-dali kitang dinala sa iyong ninang sa kanto. Sabi ko ay mayroon lang akong pupuntahan na mahalaga.

“Nagmamadali ako. Sinundan ko ang nanay mo. Nakita ko na sumakay siya ng taksi na may kasamang lalaki.

“Nagtaksi rin ako at pi­nasundan ang taksi na sinak­yan nila. Humantong sa motel. Pinagtiyagaan kong hintayin na lumabas sila sa motel.

“Nang lumabas sila sa motel at sumakay ng taksi, dun ko na sila hinarang. Pi­nigil ko ang taksi at kinumpronta sila. Tumakbo ang lalaki!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with