^

True Confessions

Suklam (79)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi na nagbabago ang pasya ko, Brent, ta­tanggapin ko si Vivian. Bi­bigyan ko siya ng isa pang pagkakataon. Nangako na­man siya na hindi na uulitin yun,’’ sabi ni Julio.

“Iginagalang ko ang pasya mo, Julio,’’ sabi ni Brent.

“Salamat sa pang-unawa mo Brent. Mabuti kang kaibigan.’’

“Sana hindi ka nagkamali sa pagpapasya. Kung anuman ang mangyari, ta­wagan mo lang ako, Julio.’’

“Salamat uli, Brent.’’

“Ano nga palang sabi ng anak mo?’’

“Wala naman siyang reaksiyon—bata pa kasi. Siyanga ang una kong na­isip kaya tinanggap ko si Vivian. Ayaw kong lumaki siya na walang ina. Gusto ko maging buo muli ang pamilya namin. Mahirap kasi kung ako lang magpa­palaki sa aming anak.”

Napatangu-tango si Brent. Gusto sana niyang sabihin kay Julio, na kahit naman wala si Vivian, makakaya niyang palakihin ang anak, pero hindi na niya iyon si­nabi. Baka isipin nito na siya ang nagpupumilit para huwag nang tanggapin pa si Vivian.

Hanggang sa matapos ang kanilang pag-iinuman Nagpaalam na si Brent kay Julio.

“Teka at ihahatid kita sa inyo, Brent.’’

“Huwag na Julio.’’

“O e di hiwalay na muna tayo, Brent. Lagi kitang tatawagan.’’

“Sige Julio.”

“Ingat ka Brent.’’

BUMALIK na sa trabaho si Vivian. Tahimik ang lahat nang pumasok ito sa kanyang kuwarto.

Pati si Mara ay hindi nakapagsalita at nakatingin lang kay Vivian.

Nang makapasok sa kan­yang malamig na opisina ay saka lamang nagbalik sa normal ang galawan ng mga empleyado. Nawala ang tensiyon.

Maya-maya lumabas si Vivian sa kanyang opisina­. May bitbit na papeles.

“Ibigay mo ito kay Brent, Mara. Matagal na niyang hinihintay ito.’’

“Oo nga Mam, madalas si Brent dito dahil sa mga papeles na ‘yan.’’

Bumalik sa opis niya si Vivian.

Dinampot ni Mara ang mga dokumento ni Brent. Dadalhin niya iyon kay Brent.

Napangiti si Mara sa ga­gawin niya kay Brent. Hindi na ito makakatanggi.

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with