^

True Confessions

Suklam (76)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Napaangat ang kilay ni Mara sa sinabi ni Brent na sana raw ay huwag nang tanggapin ni Julio ang asawang si Vivian.

“Bakit naman ganun ang wish mo, Brent?’’ tanong ni Brent.

“Basta ‘yun ang opinyon ko.’’

“Ay ang galing ng mama. Parehas tayo.’’

Napatango si Brent. Hindi na niya ikukuwento kay Mara na ang tatay niya ay isang halimbawa ng lalaking pinugayan ng dangal. Magiging mahaba pa ang pagpapaliwanag niya kung sasabihin iyon.

“Kung ako si Julio, hindi ko na tatanggapin ang nag­kasalang asawa. Tama na ‘yun,’’ sabi ni Brent.

“Korek.’’

“Kaya papayuhan ko si Julio. Huwag na niyang tangkain pang patawarin ang nagkasalang asawa.’’

“Gawin mo, Brent. Payuhan mo ang kaibigan mo. Makikinig naman siya siguro sa ‘yo.’’

“Sana nga Mara.’’

ISANG araw na pauwi mula sa opisina si Brent, tinawagan siya ni Julio.

“Inom tayo Brent. Dun sa dati.’’

“Kailan?’’

“Ngayon na. May sasa­bihin akong mahalaga, Brent.’’

“Sige. ’’

“Gusto kong malaman ang opinyon mo sa gagawin ko.’’

“Okey Julio. Magkita tayo. Dun na ako dede­retso.”

“Okey.’’

Pagdating ni Brent sa KTV Bar, naroon na si Julio. May bote na ng beer at pu­lutan sa mesa.

Naupo si Brent.

Sinabi ni Julio ang lahat.

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with