^

True Confessions

Suklam (77)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, Brent. Sa kabila na nagkasala si Vivian, pinatawad ko,’’ sabi ni Julio.

“Pinatawad mo?’’

Tumango si Julio.

Napabuntunghininga si Brent.

“Akala ko sabi mo e wala nang pata-patawad pa.’’

“Nagmakaawa sa akin, Brent. Hindi na raw siya uulit. Kasi pinilit lang daw siya ng lalaki.’’

Napamulagat si Brent. Ilang saglit siyang hindi nakapagsalita.

Nagpatuloy si Julio.

“Hindi naman daw talaga siya ang may kasa­lanan. Sabi pa ni Vivian, pinuwersa siya ng lalaki. Tinakot. Nasa stockroom daw siya nang unang mang­yari ang pagpuwersa sa kanya. Tinutukan siya ng baril ng lalaki. Wala na siyang nagawa. Sunod na nangyari ay dun din daw sa stockroom nangyari. Sa­bado raw iyon nang sundan siya ng lalaki. Niyaya raw siyang mag-sex. Tumanggi siya. Tinakot siya na ikakalat ang mga photo na kuha nito. Palihim daw nitong kinunan ang pagsi-sex nila.’’

Hindi pa rin makapagsa­lita si Brent. Shock na shock siya sa narinig kay Julio. Gusto na niyang sabihin dito na pawang ka­si­nungalingan ang mga si­nabi ni Vivian. Gusto na niyang sabihin kay Julio na walang puwersahang na­ganap sapagkat sa stockroom sila nagtata­talik. Pareho nila gusto ang ginagawa.

Pero nanahimik muna si Brent. Saka na lang niya ibubulgar ang mga nalalaman at pati na rin ang ki­nuha niyang photo habang nagtatalik ang mga ito sa stockroom.

Hinayaan niyang magkuwento si Julio.

“Lumuhod sa harapan ko si Vivian. Umiiyak. Patawarin ko na raw siya. Naawa ako. Bibigyan ko ng isa pang pagkakataon. Ano sa palagay mo, Brent.’’

“Huwag Julio. Baka ka masaktan muli.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with