^

True Confessions

Suklam (78)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAAAWA ako kay Vivian­, Brent. Hindi ko matiis ang pag-iyak niya. Nagsisisi raw siya nang labis,’’ sabi ni Julio.

“Baka magsisi ka Julio.’’
“Buo na ang pasya ko. Wala na sigurong makapagbabago, Brent.’’

“Sabagay, napatawad mo na, wala nang saysay ang payo ko.’’

“Mabuti kang kaibigan, Brent. Hindi ko malilimutan ang kabutihan mo habang ako ay nabubuhay.’’

“Salamat Julio. Pero me­ron sana akong ikukuwento sa’yo bago tayo maghiwalay. Gusto kong marinig mo at baka sakali, magbago ang pasya mo.’’

“Makikinig ako, Brent.’’

“Di ba alam mo naman ang nangyayari sa tatay ko na pinugayan ng dangal ng nanay ko?’’

“Oo.’’

“Mayroon pa palang nangyari na kailan lamang ikinuwento sa akin ni Tatay. Hindi ko akalain na may nangyari na pala noon—nangalunya na noon pa ang aking ina. Nahuli ni Tatay na may kasamang lalaki at nag-check-in sa motel. Paglabas sa motel, kinumpronta sila ni Tatay. Nakatakas ang lalaki. Ang aking ina ang hinarap ni Tatay. Pero nagmakaawa ito sa aking tatay. Hindi na raw uulit. Nagsumamo na bigyan ng isa pang pagkakataon.

“Dahil malambot ang puso ni Tatay at gusto pa ring ma­buo ang pamilya, tinanggap niya ang nagkasalang asawa. Kinalimutan ang ginawa ng aking ina. Naniwala na tutuparin ang pangako.

“Pero hindi nangyari iyon at muling pinugayan ng da­ngal ang aking tatay. At ang matindi, sa sariling pamamahay pa idinaos ang pagtatalik. Naaktuhan niya ang ginagawang kaimoralan.

“Sabi ni Tatay, hindi na dapat binibigyan ng isa pang pagkakataon ang babaing na­ngalunya. Uulit at uulit ito sapagkat nasa dugo ang pa­ngangaliwa. Payo ni Tatay, pa­­tawarin ang nangalunyang babae pero huwag nang kakasamahin pa. Magsisisi la­mang kapag nakisama sa nangalunyang asawa.’’

Walang kaimik-imik si Julio matapos ang pagkukuwento ni Brent. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with