Alakdan (99)
HABANG patungo sa pinto para tignan kung sino ang kumakatok, malakas na ang kutob ni Troy kung sino iyon si Mayette. Sino pa ba naman ang kakatok sa ganoong oras kundi ang babaing may malaking pagnanasa sa kanya. Hindi nagsasawa si Mayette sa “panliligaw” para magkaroon sila ng relasyon. Kahit pa ipinakikita na niya na wala siyang nararamdaman o pagkagusto, wala pa ring tigil.
Binuksan niya ang pinto pero awang lang. Sinilip niya. Tama ang hula niya. Si Mayette!
“Troy, papasukin mo ako,” sabi ni Mayette na halos pabulong.
“Baka makita ka ng asawa mo?”
“Papasukin mo ako!” Sabing pasinghal.
Ano pa ang magaga- wa niya? Kilala niya si Mayette na madaling bu-maltik. Baka maghuramentado. Kailangang pakitu-nguhan para walang gulo. Pakikisamahan na lang niya.
Nang buksan niya ay nagmamadaling pumasok. Siguro’y nag-aalala rin na baka may makakita. Naiiwas naman niya ang harapan na gustong sanggiin ni Mayette. Parang takaw na takaw sa pakikipagtalik si Mayette.
“Bakit Mayette?”
“Anong bakit?”
“Bakit ka narito?”
“Hindi ako makatulog. Lintik na buhay ‘to!”
“Asan ang asawa mo?”
“Iyon ang pinuproblema ko?”
“Bakit?’’
“Maysakit.’’
“Anong sakit?”
“Sa puso.’’
“Delikado yun.’’
“Delikado nga. Pero ang ikinaiinis ko, baka hindi na makapag-Saudi.’’
“Alangan namang pili-tin mo.’’
“Basta naaasar ako. Kung hindi na siya mag-aabroad, patay na ako.’’
Hindi makapagsali-ta si Troy. Pero lihim siyang natutuwa sapagkat maaaring mabawasan na ang pang-aakit sa kanya ni Mayette. Baka nga matuluyan na.
“Kung hindi siya makakapag-Saudi e di mas mabuti pang matigok na!” sabi ni Mayette at ngumiti nang mapakla.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending