Hiyasmin (160)
KINAGABIHAN matapos silang makapaghapunan ay nagtungo agad sa kuwarto ni Hiyasmin si Nanay Julia. Mayroon daw mahalagang sasabihin kay Hiyasmin ang matanda. Sa totoo lang, kanina pa nasasabik si Hiyasmin sa sasabihin ni Nanay Julia. Wala siyang ideya kung ano ang sasabihin ng matanda. Pero tiyak na nakakaintriga dahil gustong dito pa sa kuwarto sabihin. Kung hindi mahalaga, e di sana ay sinabi na kanina pa. Siguro ayaw ni Nanay na marinig ni Sir Dax ang sasabihin. Hindi kaya may kaugnayan kay Sir Dax?
Kumatok si Nanay Julia bago pumasok sa kuwarto.
“Puwede na tayong magkuwentuhan, Hiyasmin?’’ tanong nito.
“Opo Nanay,’’ sabi ni Hiyasmin at binuhat ang plastic chair. “Gusto mong umupo rito o sa kama ka na maupo? Ay huwag na rito at matigas. Sa kama na lang Nanay para komportable ka.’’
“Salamat Hiyasmin, talagang napakabait at napakaalalahanin mo,’’ sabi ng matanda at sumampa sa kama. Inalalayan ni Hiyasmin sa pagsampa.
“Salamat din po. Na-miss kita Nanay.’’
“Ako rin. Noong isang araw pa sana kami pupunta rito pero sumakit na naman ang paa ng tatay ni Dax. Kumain kasi ng lamanloob.”
“Buti ikaw po hindi sumasakit ang paa?’’
“Hindi. Mas maingat ako kaysa mister ko.’’
“Malakas na malakas ka Nanay. Parang hindi ka tumatanda.”
“Talaga? Kaya talagang gustung-gusto kitang kausap, Hiyasmin—nagsasabi ka ng totoo.’’
Tumawa nang mahinhin si Hiyasmin.
“Meron akong sasabihin sa’yo at baka magulat ka?’’
“Ano po yun? Kanina pa ako naiintriga, Nanay?’’
“Totoo nga ba na naka-panty ka lang kapag natutulog?’’
Gulat si Hiyasmin. Hindi niya inaasahan. Umamin siya.
“Opo Nanay.’’
Itutuloy
- Latest