Hiyasmin (158)
Napatingin nang makahulugan si Hiyasmin kay Dax. Bakit nasabi ni Dax na baka siya ang lalaki sa panaginip niya. Nalilito siya sa mga sinasabi ng lalaking ito.
“Puro ka naman biro Sir Dax. Hindi ko na alam kung totoo o biro ang sinasabi mo.’’
Magsasalita sana si Dax nang may tumawag mula sa labas.
“May tao, Sir Dax—parang boses ni Nanay!’’
“Oo nga,’’ sabi ni Dax at nagtungo sa main door at sinilip ang tumatawad. Ang tatay at nanay niya.
Lumabas siya para buksan ang gate.
“Bakit hindi kayo nag-text para nasundo ko, Nanay?’’
“Hindi ka na namin inabala. Si Hiyasmin nasaan?’’
“Nasa loob po.’’
“May mga pasalubong ako sa kanya.’’
“Halina kayo sa loob at mainit na.’’
Pumasok ang nanay at nanay niya. May bitbit na plastic bag ang kanyang tatay. Kinuha ni Dax ang bitbit na bag.
Maya-maya lumapit si Hiyasmin. Sumunod pala kay Dax paglabas.
Niyakap at hinalikan nito si Nanay Julia at pagkatapos ay ang tatay.
“Kumusta kayo Nanay?”
“Mabuti naman, Hiyasmin. Lalo kang gumanda. Balita ko ay may trabaho ka na.’’
“Opo.”
“Kumusta naman ang trabaho mo?”
“Mabuti naman po.’’
Pumasok sila sa loob.
“Ipaghahanda ko po kayo ng almusal, Nanay,’’ sabi ni Hiyasmin.
“Huwag na. Kumain na kami bago umalis ng Fairview. Marami akong pasalubong sa iyo. Magugustuhan mo.”
“Salamat po Nanay.’’
“Marami rin akong sasabihin sa iyo. Pupuntahan uli kita sa kuwarto mo. Magugulat ka sa sasabihin ko.’’
Nag-isip si Hiyasmin. Ano kaya ‘yun? Tungkol kaya kanino?
Binuksan ni Nanay Julia ang plastic bag na may pasalubong.
“Magugustuhan mo ito, Hiyasmin. Napakasarap!”
Isang uri ng kakanin ang pasalubong sa kanya ni Nanay Julia.
(Itutuloy)
- Latest