Alakdan (68)
KAPIT sa patalim. Iyon ang kalagayan ni Troy sa kasalukuyan. Wala siyang ibang malalapitan para mautangan ng pera kundi si Mayette. Hindi naman niya maaaring pa bayaan ang kanyang Itay. Lahat ay gagawin niya para maipagamot ang Itay niya. Kawawa naman ang Itay niya na lagi raw idinadaing ang masakit na tagiliran.
Bahala na kung ano ang kahinatnan ng paghingi niya ng tulong kay Ma-yette. Basta ang mahalaga ay mayroon na siyang ipadadalang pera sa kanyang Itay. Malulu nasan na ang nadaramang sakit. Kapag natapos na ang problema, unti-unti niyang babayaran si Mayette. Magtitipid siya nang todo hanggang sa mabayaran ang ipauutang sa kanyang pera.
Kinagabihan, karara-ting lang ni Troy mula sa trabaho nang may kumatok.
Binuksan niya. Si Ma-yette. Pinapasok niya. Kung noon ay nag-iisip siya nang masama kapag dumara-ting si Mayette, ngayon ay hindi. Ang tanging naiisip niya ay ang kalagayan ng kanyang Itay.
“Eto na ang pera, Troy. Dinala ko na para maipa-dala mo agad sa probinsiya.’’
“Salamat, Mayette.’’
“Dinagdagan ko na. Ginawa kong kinse mil.’’
“Kakahiya sa’yo Ma-yette.’’
“Huwag ka nang ma- hiya. Kapag nasa panga nib ang mahal sa buhay, hindi na dapat mahiya.’’
“Salamat uli.’’
“Kapag kinulang ito, magsabi ka lang Troy.’’’
“Palagay ko, tama na ito, Mayette.’’
“Sure ka?”
“Oo. Kapag nakalu-wag ako, babayaran ko ito, Mayette.’’
“Saka mo na lang isipin yun.’’
Hindi malaman ni Troy ang gagawing pasasa-lamat.
Kung may hihilingin si Mayette ngayon, baka pagbigyan niya at bahala na si Batman.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending