^

True Confessions

May isang Pangit (72)

- Ronnie M. Halos -

“Si Tor na nga lang ang pag-asa namin, Tibur. Kapag nakatapos siya ng Engineering at nakakuha ng trabaho baka guminhawa kami. Kaya nga ako umiiyak ay dahil ikaw na ang magpapaaral sa kanya, Kung ang pamamasada lamang ni Tiyo Nado mo ang aasahan ay baka hindi yan makatapos...’’

“Ngayon ay siguradong makakatapos sa pag-aaral si Torn. Huwag lang magsisiyota…”

“Ay wala pang siyota ‘yan, Tibur.”

“Guwapo ito e. Baka may siyota ka na Torn.”

“Wala Kuya Tibur. Gus­­to ko tala­ga makatapos at makapagtrabaho para naman makatikim nang magandang buhay sina Itay at Inay.’’

“Iyan ang napakaganda.. Kung lahat ng mga kabataan ay ganyan ang prinsipyo, maraming uunlad ang buhay. Madali lang naman ang mag-asawa lalo kung guwapo. Ako nga na pangit ay nagkaasawa e di lalo pa ang guwapo. Kaya hindi dapat magmadali ang mga kabataan sa pag-aasawa.’’

“Gusto kong magtrabaho sa Saudi, Kuya pagnakatapos. Parang doon muna ako magsisimula.”

“Okey ang naisip mo. Sige at kapag nakausap si Mulong na kaibigan ko, sabihin ko na ikaw ang ipalit sa kanya sa farm ni Abdullah. Yung si Mulong kasi ang pinagkakatiwalaan ng dati kong boss na si Abdullah. Si Mulong at asawa niya ay balak din kasing mag-Australia.’’

“Sige Kuya Tibur. Kahit na tagaalis lang ako ng kalawang ng traktora okey na ako.’’

“Bagay sa iyo e sa engineering department. Kailangan ang engineer doon. Kaya kailangan makapasa ka agad sa board.’’

“Huhusayan ko Kuya Tibur sa pagkuha ng board.’’

“Kapag mayroon ka nang karanasan sa Saudi, sa Australia naman kita dadalahin. At kapag nasa Australia ka na, dadalhin mo naman sina Tiya Encar at Tiyo Nado roon... okey ba?”

“Okey Kuya Tibur.’’

Narinig nila na umi­yak si Tiya Encar. Pa-ngarap pa lang iyon pero akala mo e totoo na. (Itutuloy)

ABDULLAH

KAPAG

KAYA

KUYA TIBUR

MULONG

OKEY KUYA TIBUR

TIYA ENCAR

TIYO NADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with