^

True Confessions

May isang Pangit (19)

- Ronnie M. Halos -

“SI Mulong ang una kong naging kaibigan noong maging hardinero kami sa UST. Ilang taon ang kaunahan niya sa akin kaya marami siyang naiturong trabaho sa akin. Parehas lamang kami ng edad. Kaya raw siya nakapasok sa UST ay dahil kakilala ng tatay niya ang isang PE professor. Ang professor ang nagsama sa kanya sa Maynila. Graduate siya ng high school. Pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay sa Quezon. Sa Maynila na siya nakapag-asawa at nagkaroon ng dalawang anak.

“Napakabait ni Mu­­long at ito ang laging nagtatanggol sa akin kapag binu-bully ng ibang hardinero. Madalas kasi noon ay mayroong laging pumupuna sa aking trabaho. Mali raw ang pagdudukal ko ng lupa sa paligid ng mga tanim. Sinisira ko raw ang halaman dahil napipinsala ang ugat ng tanim. Ipinagtatanggol ako ni Mulong. Baguhan daw ako kaya hindi pa gaanong sanay sa mga halaman.

Pero patuloy pa rin akong binu-bully ng isang kasamahan namin na ang pangalan ay Raul. Talagang mainit ang dugo sa akin ni Raul.

“Minsan ay naki-pagtalo si Mulong kay Raul. Nagsagutan sila habang nagtatrabaho sa hardin malapit sa may Main Building. At ako ang pinagtatalunan nila. Pinagtatanggol ako ni Mulong. May namatay kasing halaman at ako ang may kagagawan. Nasu-gatan ang katawan ng halaman. Masyado palang sensitibo. Sabi ni Mulong, hindi ko naman daw sinasadya ang pagkakasugat sa katawan ng halaman. Walang may gustong mangyari ang ganoon. Pero masakit ang sinabi ni Raul. Tatanga-ta-nga raw kasi ako kaya nasugatan ang puno. At may karugtong pa, tanga na raw ako ay pangit pa. Hindi na nakapagpigil si Mulong at sinigawan si Raul. Ipinagtanggol ako. Huwag naman daw akong laitin. Masyadong personal na raw mga sinasabi ni Raul. Pero talagang sagad sa kayaba-ngan kung magsalita si Raul. Bakit daw ganun na lamang ang pagtatanggol ni Mulong sa akin. Sino raw ba sa aming dalawa ang bakla?

“Napikon na si Mulong at sinapak si Raul. Sa lakas ng pagkakasapak ay natumba si Raul. Napahiga sa lupa na dinudukal nito. Pero mabilis ding buma-ngon at sinugod si Mulong…”

(Itutuloy)

AKO

BAGUHAN

BAKIT

HUWAG

MAIN BUILDING

MULONG

PERO

RAUL

RAW

SA MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with