Thelma (165)
HABANG hawak ng nurse ang anak ni Trevor ay halos hindi siya kumukurap sa pagkakatitig sa anak. Malago ang maitim na buhok, palatandaan na malalago ang kilay, ang ilong ay maliit pero mata-ngos. Hindi pa niya makita kung siya ang kamukha o si Thelma. Nakikita raw kung sino ang kamukha ng sanggol kapag isang taong gulang na. Pero ngayong kasisilang pa lang, hindi pa mamumukhaan. Halos lahat ng sanggol ay magkakamukha pagkasilang.
Napangiti pagkaraan si Trevor. Hindi siya baog. Narito ang katibayan.
Nag-isip na si Tre-vor nang ipapangalan sa anak. At agad siyang nakaisip: ROVERT. Binaliktad na TREVOR. Unique. Lalaking-lalaki ang dating ng ROVERT.
Natapos ang viewing time. Ibinalik ng nursery aide ang sanggol sa crib nito. Ibinalik ang tabing na kurtina ng nursery. Umalis na si Trevor at nagmamadaling nagtungo sa kinuha nilang private room. Baka dinala na roon si Thelma. Sabi ng doctor ni Thelma, pagkalipas pa ng isang oras ito dadalhin sa room.
Wala pa nga si Thelma sa room nang magtungo roon si Trev. Pero makalipas lamang ang ilang mi-nuto ay eto na si Thelma. Nasa stretcher at tinutulak ng hospital aide. Natutulog pa si Thelma. Inilipat ito sa kama. Hindi pa rin nagi-sing si Thelma kahit nailipat na sa kama. Hinayaan ni Trevor ang asawa.
Pinagmasdan niya si Thelma. Mukhang nahirapan sa panganganak. Ang pisngi ay bahagyang lumubog. Tila namayat. Pero sa kabila niyon ay maganda pa rin si Thelma. Hindi nabawasan ang ganda sa paglipas ng panahon. Ito pa rin ang kagandahan na una niyang nakita noon — noong panahon na ang asawa pang si Delmo ang kasama. Hanggang sa maalala muli niya ang nangyari sa kanila ng madaling araw na iyon. Nagtalik sila. Pero nakonsensiya siya dahil tinuring niyang kaibigan si Delmo. Kaya nga nagmamadali siyang umalis noon at baka magkita pa sila ni Delmo. Hindi niya kagustuhan ang nangyari. Si Thelma ang nag-offer ng sarili.
Akalain ba niyang sila rin pala ang magkakatuluyan. Talagang walang imposible sa mundo. Lahat ay maaaring mang- yari o maganap.
“Trevor…”
Narinig niya ang pagtawag ni Thelma. Kumilos ang kamay.
“Thelma.”
“Nasaan ang baby natin? Nakita mo na ba?”
“Oo. Malusog.”
“Salamat sa Diyos.”
“May naisip na akong name niya — ROVERT.”
Nag-isip si Thelma.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending