Hiyasmin (152)
NAGING mainit daw ang pagmamahalan nila ni Hiyasmin. Ang hindi malaman ni Dax ay kung paano napunta sa kuwarto niya si Hiyasmin. Basta nalaman na lamang daw niya ay katabi na si Hiyasmin sa kama at wala na itong saplot. Hubad na hubad si Hiyasmin. Napakakinis ng katawan nito. Dalawang beses na niyang nakita ang katawan ni Hiyasmin: una ay nung napasukan niyang naliligo sa banyo at ikalawa ay nung pumasok siya sa kuwarto nito at nakahiga na naka-panty lang.
Talagang napakaganda ni Hiyasmin.
Magkatabi raw silang nahiga ni Hiyasmin at nagkadikit ang nag-aalab nilang katawan.
Pakiramdam daw ni Dax ay nagbabaga ang kanilang katawan.
Hinanap daw ni Dax ang labi ni Hiyasmin. Natagpuan niya. Marahan niyang hinalikan ang manipis at makipot na labi nito. Hanggang ibuka niya ito at naglaban na ang kanilang dila. Nag-espadahan. Walang puknat.
Hanggang naging malikot daw ang kamay niya at natagpuan ang hinahanap na kabukiran. Basa na ang linang. Handang-handa nang araruhin.
“Sir Daxxx! Sir Daxxx!” Sabi raw ni Hiyasmin.
Nagsimula na ang pag-aararo.
Pero nang matatapos na ang pag-aararo, nagising siya. Naalimpungatan.
Panaginip lang pala ang lahat!
Itutuloy
- Latest