Thelma (159)
SA isang five star hotel sa Roxas Blvd. nag-ho-neymoon sina Thelma at Trevor. Siyempre, hindi kasama si Trev. Nang magpaalam si Trevor kay Trev ay biniro ito. “Hindi ka na kasama sa lakad na ito, Trev. Pag-aari ko na ang mama mo. Ako na ang bahala sa kanya, okey?”
“Aprub Sir Trevor, este Papa.”
Nag-high five ang da-lawa.
Nang naka-check-in na sina Trevor at Thelma sa hotel, sabik na sabik na niyakap ni Trevor ang asawa.
“Dito na lang tayo bumawi, Thelma. Yung pagkasabik ko sa’yo ay dito ko na ibubuhos. Isang makasaysayang pulut-gata ang ating gagawin sa suite na ito. ”
“Kahit pa ako’y dala na at hindi na dalaga?’’
“Oo naman. Para sa akin sariwang-sariwa ka pa at makatas na makatas.’’
“Niloloko mo naman ako. Hindi na yata ako sariwa. Parang isdang bilasa na.”
“Masyado mo namang hinahamak ang sarili mo. Napatunayan ko na naman na makatas na makatas ka. Hindi ko malilimutan ang ginawa natin noong madaling araw na iyon. Katakam-takam ka noon.’’
“Huwag mo na ngang ipaalala, Trevor at nakakahiya.’’
“Tayo lang namang da-lawa ang narito.”
“Kahit na.’’
“Talaga bang ma-‘‘L’’ ka Thelma?’’
‘‘Oo. Di ba sinabi ko na sa’yo. Kaunting mahawakan mo lang ako, e naglalaway na itong ano ko.’’
Napahagikgik si Trevor.
‘‘Yan ang gusto ko, Thelma. Gusto ko naglalaway.’’
Kinurot ni Thelma sa braso si Trevor.
“Ano kaya mabuntis kita, Thelma?’’
“Ay matanda na yata ako para manganak. Kuwarenta na ako.’’
‘‘Puwede pa. Gusto ko kasi maanakan ka. Nagdududa kasi ako sa sarili ko na baka baog ako. Kasi nung binatilyo raw ako e nagka-beke ako. Di ba kapag nagkabeke ang lalaki sa panahon na siya nagbibinata ay baka mabaog at hindi na magkaanak.’’
Nakatingin lang si Thelma kay Trevor. Walang kurap.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending