Thelma (142)
PATULOY sa pagsasalita si Trevor Buenviaje. Nasa ayos ang mga pangyayaring ikinukuwento. Manunulat nga ang lalaki --- isang mahusay na manunulat.
“Ikaw ang gumawa ng paraan para mangyari ang lahat, Thelma. Ni hindi na ako gaanong kumilos mula sa pagkakahiga. Ikaw ang naging makapangyarihan. Hinayaan kita bagamat mayroon pa rin akong hindi maunawaan kung bakit nga kailangang mangyari iyon.
“Pero alam mo, Thelma, gusto ko ang ginawa mo. Kahit na may mga katanungan ako sa isip, nasiyahan ako sa mga ginawa mo. Maski ngayon nga ay hindi ko pa rin malimutan ang ginawa mo. Kakaiba ka, Thelma.
“Para bang uhaw na uhaw ka Thelma ng gabing iyon. Para bang matagal kang hindi nakakatikim ng kaligayahan sa pagtatalik. Kumbaga, para kang bukid na basa na noon lamang nabungkal. Sabik na sabik ang lupa nang lumapat ang talim ng araro. At nang nakabaon na ang talim ng araro ay lalo nang namasa-masa ang lupa hanggang sa tuluyan nang nalunod. Nagsanaw na.
“Kaya naman ginawa ko rin ang lahat para magantihan ang iyong ipinakitang pagka-agresibo. Tunay na lalaki ako, Thelma at lalo kung nadarama ang tunay na pagiging anak ni Adan kapag ang babae ay nagpapakita nang paglaban. Kung sa una ay may takot ako dahil baka biglang dumating si Delmo, kalaunan ay nawala ang takot at ang nanaig ay ang pagkagusto sa iniaalok mo, Thelma. Inuulit ko, tao nga lamang ako na madaling matukso sa laman…”
Tumigil sa pagsasalita si Trevor. Tumingin kay Thelma.
“Bakit nagawa mong akitin ako, Thelma. Bakit nagawa mong pagtaksilan si Delmo?”
Nagkatinginan sila.
“May deperensiya ba si Delmo?”
Walang sagot.
“Hindi ka nasisiyahan sa pagtatalik n’yo ni Delmo?”
Noon kumawala ang kasagutan mula kay Thelma.
“Oo. Hindi ako nasisiyahan.”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending