Thelma (141)
Tumigil sa pagsasalita si Trevor Buenviaje at pinagmasdan ang walang kakibu-kibong si Thelma. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit nangyari sa kanila ang “mabilisang pagtatalik” noon. Ayaw na sana niyang ungkatin kay Thelma iyon pero hindi niya matiis. At wala namang masama kung malaman niya sapagkat nagkakaunawaan naman sila ni Thelma. Ayaw nga lang ni Thelma na mabulgar ngayon sapagkat inaalala niya si Trev,
“NAISIP ko noon Thelma, na baka hindi mo sinasadya ang mga ginagawa. Baka talagang ganoon ka lang na balewala kung makitaan ng suso. Pero nang sunud-sunod mong ipakita ay naghinala na ako. Parang kakaiba na ang ginagawa mo. Sinasadya mo na ang pagpapakita ng motibo…”“Sabi ko sa sarili, makaraan ang ating mabilis na pagtatalik, baka dahil lasing lamang ako kaya nagawa kong kagatin ang iniaalok mo. Kasi nga’y wala naman akong balak dahil nga itinuturing kong kaibigan si Delmo. Kasi’y kapag nakipagkaibigan ako, talagang matapat at hindi ako lumilimot sa pagkakaibigan. Pero hindi ko malaman ang nangyari sa akin kung bakit nang pumasok ka sa kuwarto at tumabi sa akin, ay kakaibang init ng katawan ang dumapo sa akin. Para bang nilagnat ako lalo na nang malaman ko at mahipo na wala ka nang saplot sa pag-kababae. Kahit na nahihilo pa ako sa dami ng nainom na lambanog, nakikita ko ang kaanyuan mo, Thelma. Ang mga mata mo ay tinatamaan ng maliit na sinag mula sa nanggagaling sa siwang sa itaas ng dingding na lawanit. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pagkakatingin mo na parang iniaalok mo nga ang sarili. At lalo pa akong nagtaka nang alisin mo nang tuluyan ang iyong damit. Nabanaag ko ang makinis mong balat. Nadama ko ang hita mo. Makinis. At nang pagapa-ngin ko sa kaangkinan mo ang aking daliri, natanto kong nanga-ngailangan ka, Thelma. Hindi maipagkakaila na kahit tag-araw ay masagana ang dumadaloy na kristal. Kailangan mo ako Thelma…’’
Wala pa ring kibo si Thelma. Pero nararamdaman ni Trevor, tila gusto nang ibulalas kung anuman ang nasa dibdib. Gusto nang sabihin ang dahilan at nagpaangkin ng madaling araw na iyon sa makisig na manunulat.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending