Thelma (129)
ANG alam ni Thelma ay manunulat lang si Trevor Buenviaje. Hindi niya alam na nagtuturo ito sa unibersidad. Baka hindi lang niya naintindihan ang sinabi nito nang huli silang magkausap.
“Anong itinuturo niya, Trev?”
“Filipino Lit.”
Napatangu-tango si Thelma. Ano pa ang kasunod ng pagkikita ng kanyang anak at ng manunulat na si Trevor? Naisip niya, lahat at maaaring mangyari. Pati ang iniisip na imposible ay nagiging posible. Sa dinami-dami ng pagtuturuang unibersidad ay sa unibersidad pa na pi-nag-aaralan ni Trev nagturo. Talaga kayang iyon ang nakatakda sa da-lawa. Doon magsisimula ang pagkiki-lala at saka mabubuo na uli ang istorya.
Naisip din naman ni Thelma na baka pinagsikapan ni Trevor na makapagturo sa unibersidad na pinag-aaralan ng kanyang anak para magkaroon ng pagkakataon na magkakilala. Lahat ay posibleng mangyari.
“Mabait ang propesor na iyon, Mommy. Kaya gustung-gusto kong pumasok sa klase niya. Napakagaan ng feeling ko sa prop na iyon.”
Lalo nang kinabahan si Thelma sa sinabi ni Trev.
NANG puntahan ni Thelma si Trev sa Maynila ay mas marami pang ikinuwento si Trev ukol sa propesor na si Trevor Buenviaje.
“Niyayaya niya ako sa kanyang inuupahang kuwarto, Mommy. Doon daw ako mag-aral at para natuturuan niya ako.”
“Anong sagot mo?”
“Sabi ko’y next time na lang. Magpapaalam muna ako kay Tita Ara. Sabi ko kasi ay wala rito sa Maynila ang mommy ko. Pumayag naman, kung gusto ko lang naman daw. Napakabait talaga ng tukayo kong iyon, Mommy.”
Nakukuha na ni Trevor Buenviaje ang damdamin ni Trev. Mahusay talaga ang manunulat. Matalino. Alam na alam ang gagawin para mapamahal sa kanya si Trev. Ibang klase si Trevor. Akalain ba niyang magkikilala ang dalawa sa natural na pamamaraan.
“Wala pa ring asawa ang propesor ko, Mommy. Matandang binata na siguro.”
“Hindi naman kaya ba-ding?”
Nakatutol na agad si Trev.
“Hindi ah. Lalaking-lalaki siya Mommy. Ang ganda nga ng katawan niya. Walang bilbil. Wala ring tiyan. May dumbbells siya sa kuwarto niya. Hindi siya bading Mommy.”
“Baka lang naman. Kasi’y may mga matandang binata raw na kaya pala hindi nag-aasawa e dahi kasapi ng federacion. Pero sabi mo naman ay lala-king-lalaki e di naniniwala na ako.” (Itutuloy)
- Latest
- Trending