^

True Confessions

Thelma (37)

- Ronnie M. Halos -

NARARAMDAMAN ni Thelma kapag nasa loob ng banyo at ibinaba ang panty para umihi ay may mga matang nakatutok sa kanya at hayok na hayok. At kapag itinataas na niya ang panty makaraang umihi ay lalo nang nararamdaman niya ang mga matang hayok na nakatitig sa kanyang “hiyas”. Lalo na kapag pinupunasan niya “iyon”. Parang nakapagkit na yata ang mga mata. Kaya naman magmamadali siyang itaas agad ang pantalon niya at saka lalabas na sa banyo.

Paglabas naman niya ay wala siyang makikitang tao sa paligid. Lu­minga-linga­ pa siya at baka merong lalaki na nagsasamantala habang nasa banyo siya. Wala talaga.

Kapag sisilipin niya si Mang Caloy sa opisina nito ay naroon at tahimik na nagpipindot sa kanyang calculator. Si Mang Caloy ang una niyang napapagbintangan na naninilip pero paano naman magagawa ng matanda iyon. At saka kung si Mang Caloy ang naninilip e di sana narinig niya ang pagkilos o may narinig sana siyang kaluskos. Wala naman siyang narinig.

Siguro ay masyado na lamang siyang apektado sa pag-iisip na may naninilip sa kanya kaya ganun ang nangyayari sa kanya. Pati si Mang Caloy ay pinagbibintangan niya gayung napakabait nito sa kanya. Pati nga panty binigyan siya. Paano niya pagbi­bintangan ang matandang marami nang naibibigay sa kanya. Hindi naman tama na pagbin­tangan ang taong nagbigay din sa kanya ng pagkakataon. Kung hindi siya tinanggap ni Mang Caloy ay baka wala silang kakaining mag-ina. Baka wala siyang maibili ng gatas at vitamin ng anak niyang si Trev.

Medyo may pagka-“berde” lang kung minsan si Mang Caloy, pero hanggang doon lang. Puwede naman niyang patawarin kung ang pagbibiro ay tungkol sa nunal sa pagitan ng suso. Natatandaan niya, nagbiro si Mang Caloy na gusto nitong makita ang nunal niya sa pagitan ng suso. Pero binawi at sinabing biro lang iyon.

Wala naman sa kanya iyon. Okey lang ang pagbibirong iyon. Hindi niya dapat seryosohin.

Isang umaga, nagtaka si Thelma kung bakit alas otso na ay wala pa si Mang Caloy sa tindahan. Wala namang sinabi na ma­aatrasado siya sa pagpunta sa tindahan.

Wala siyang susi kaya hindi niya mabuksan ang tindahan.

Hanggang sa isang la­laki ang dumating. Boy daw sa bahay ni Mang Caloy. Dala ang susi. Ibinalita nito na namatay ang asawa ni Mang Caloy.

(Itutuloy)

CALOY

KANYA

MANG

MANG CALOY

NAMAN

NIYA

PATI

SI MANG CALOY

SIYANG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with