Takaw (15)
TAMANG-TAMA na sumisikat ang araw ay nakasakay na ng dyipni si Treveor Buenviaje patungong San Pablo. Mabagal ang takbo ng dyipni dahil zig-zag ang kalsada. Hindi puno ng pasahero ang dyipni. Ang mga kasakay niya ay may mga dalang nakabalot sa plastic. Pa-ninda marahil iyon.
Habang tumatakbo ang dyipni ay tila nararamda-man pa niya ang pagsasalo nila ni Thelma. Binabalikan niya ang mga nangyari kagabi bago ang pagblackout niya dahil sa dami ng nai-nom na lambanog. Gusto talaga ni Thelma na doon siya matulog at mangyayari lamang iyon kung malala-sing siya. Si Thelma ang nagsulsol sa asawang si Delmo na painumin nang painumin siya. Naramdaman niyang tila “takaw na takaw” sa kanya si Thelma.
Napakalakas ng loob ni Thelma na nakipagtalik sa kanya sa kabila na maaa-ri silang mahuli ni Delmo. Pero bilib din naman siya kay Delmo na hinayaang mapag-isa ang asawang si Thelma kahit may estranghero sa pamamahay niya. Hindi kaya naisip ni Delmo iyon? Bakit niya iniwan ang asawa at gabi pa? Kasu- nod niyon ay naisip ni Trevor Buenviaje na hindi kaya hinayaaan talaga ni Delmo na mapag-isa sila para may mangyari? O talaga lang malaki ang tiwala ni Delmo na walang mangyayari? Malaki ang posibilidad na talagang hinayaan sila ni Delmo. Iyon ang malakas na kutob ni Trevor. Bakit ganoon ka-init si Thelma na parang noon lang may nakasiping? Hindi kaya inutil si Delmo? At isa pa, bakit wala silang anak? Nabanggit ni Delmo na matagal na silang nagsasama ni Thelma.
Napangiti si Trevor Buenviaje. Maaaring walang kakayahan si Delmo na paligayahin si Thelma. At nakita sa kanya ni Thelma ang katuparan para matighaw ang nadaramang “kauhawan”. Hindi na pinakawalan ni Thelma ang pagkakataon. Naisip ni Trevor maaaring mabuntis niya si Thelma da- hil sa nangyari sa kanilang init ng pagtatalik. Inaamin ni Trevor, tinapatan niya ang ipinakitang “takaw” ni Thelma.
Nasa bus na si Trevor patungong Maynila nang mapansin na nawawala ang kanyang keychain na may mga susi. Susi sa bahay at drawer niya. Hinayaan na niya. Madali namang makapagpagawa ng susi. At kung babalikan niya ang keychain, baka magkita pa sila ni Delmo. Hindi na siya dapat makita ni Delmo.
Dalawang kuwento na ng magkakalaguyo ang nagagawa ni Trevor Buenviaje. Oopps, tatlo na. Kasali siya dahil kahit paano nagkaroon sila ng relasyon ni Thelma.
Napailing-iling si Tre-vor. Kahit pala hindi niya hanapin, kusang may da rating na kuwento at kasama pa siya sa eksena —gaya nga ng nangyari sa kanila ni Thelma.
Katulad ngayon. Ang katabi pala niya sa bus ay isang lalaking mayroon ding kasaysayan na maaaring mapasama sa koleksiyon ng kanyang mga kuwento. Si Manong Rod ang la-laking katabi niya. Na-ging kalaguyo raw niya ang kanilang maid. (Itutuloy)
- Latest
- Trending