^

True Confessions

Ganti (116)

- Ronnie M. Halos -

“NATATANDAAN ko na ang tagpong iyon na paghingi ng tawad ni Misis Chan o aking lola kay Mama. Umaga noon at nagha-handa ako sa pagpasok sa school sa kinder. Ihahatid ako ni Mama. Malinaw na malinaw na sa akin ang lahat at hindi malilimutan.

“Ipinakita ni Lola ang pagsisisi sa mga nagawa kay Mama. At baka hindi po kayo maniniwala, lumuhod pa si Misis Chan sa harapan ni Mama para maipakita na talagang seryoso siya. Kahit hirap na hirap sa pagluhod ay pinagsikapan nito. Sabi ni Mama habang nakaluhod daw si Misis Chan ay umiiyak itong humihingi ng tawad. Napakalaki raw ng kasalanan niya kay Mama kaya kung maaari ay patawarin na siya. Hindi na rin naman daw siya magtatagal sa mundo dahil mayroon siyang sakit. Ang patawad na lamang daw ni Mama ang kailangan niya at kahit mamatay na siya sa oras na iyon ay okey na sa kanya. Basta ang mahalaga ay ang pagpapatawad ni Mama.

“Si Mama po ay likas na mabait din. Sa kabila na ina­grabyado siya at nakatikim ng panlalait kay Lola ay han­da siyang magpatawad. Kasi, ikatutuwa raw ni Papa sa ka­bilang buhay kung mag­kakaroon na ng kapanatagan sa pamilya. Matagal din daw na hinangad ni Papa na magkaayos-ayos na ang lahat.

“Ang ginawa ni Mama ay hinawakan si Lola at unti-unting itinayo. Nang nakatayo na ay saka niyakap. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nayakap niya ang ina ni Papa. Walang namagitang pag-uusap sa kanila. Ang pagyakap ay isang mabisang palatandaan ng pagtanggap at pagpapatawad. Umiyak nang umiyak si Lola.

“Pagkatapos po nilang magyakap ay ako naman ang hinarap ni Lola. Nasa sulok lamang po ako at nakatingin sa kanila. Niyakap ako nang mahigpit ni Lola. Hinalikan ako sa pisngi, sa buhok, sa braso at pakiramdam ko, sabik na sabik siya sa akin.

“Pagkatapos niyon ay naupo kami. Nasa tabi ako ni Lola. Hindi ko na matandaan ang eksaktong sinabi ni Lola, pero sabi ni Mama, sising-sisi ito sa mga ginawa. Kailangan pa raw niyang bumagsak at maghirap para makilala ang kamalian. Nagsisisi raw siya nang labis sa mga nagawa kay Mama.

“Masaganang-masagana ang aming lunch noon dahil nagpahanda nang mara-ming pagkain si Mama. Isang selebrasyon sa pagkakapanumbalik at pagkakaunawaan nila ni Lola… ”

BALIK sa kasalukuyan. Hangang-hanga si Lorena sa napakagandang istorya ng buhay ng papa at mama ni Viah. Halos magkatulad pala ang kani-kanilang buhay.

“Doon na natapos ang kuwento nila, Viah?” tanong ni Lorena.

“Meron pa po. Pagka­ta­ pos po nang madamdaming pagkakasundo, si Mama na po ang bumuhay sa naghihingalong negosyo ni Lola. Naibalik po ni Mama ang negosyo kaya lalo siyang napamahal kay Lola…”

“Ay ang ganda naman. Gusto kong ma-meet ang mama mo Viah.”

“Ipagsasama ko po siya rito. Tiyak po, magkakasundo kayo.” (Itutuloy)

AKO

LOLA

LORENA

MAMA

MISIS CHAN

PAGKATAPOS

SI MAMA

SIYA

VIAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with