^

True Confessions

Ganti (105)

- Ronnie M. Halos -

“AYAW daw tumigil ang ulan at sinasalitan pa ng pagkidlat at pagkulog. Kapag daw kumikidlat ay isinisiksik ni Mama ang katawan kay Papa. Talaga raw takot si Mama sa kidlat at kulog.

“Sabi raw ni Papa kay Mama, huwag matakot dahil kasama naman siya. Kaya maski sa pagtulog ay magkasama sila. At na­tuklasan nila na masa­rap magkasama kapag malamig ang panahon. At ang kagila-gilalas nilang natuklasan, walang ka-singsarap na kayakap ang minamahal.

“Nang gabi raw na iyon isinuko ni Mama ang pag-kababae sa minamahal na si Rafael. Buong-buo niyang ipinagkaloob ang kabirhenan sa lalaking mahal na mahal niya. Hindi na niya binigyang pansin kung ayaw man sa kanya ni Misis Chan. Basta ang alam niya, mahal siya ni Rafael. Nagmamahalan sila nang labis.

“Nang magising sila ki­nabukasan ay hupa na ang ulan at may liwanag nang lumulusot sa dingding na ka­­wayan ng bahay. Sabi ni Mama, iyon daw ang pinakamahimbing niyang pagkakatulog sa buong buhay niya. At sabi naman daw ni Papa, napakaganda ng umaga niya. Hinalikan daw ni Papa sa labi si Mama.

“Ayaw pa raw umuwi ni Papa dahil wala naman daw problema dahil wala ang kanyang mga magulang. Nasa Maynila ang mga ito at nagpapagamot ang ama. Pero si Mama na ang nagsabi na dapat siyang unuwi at baka hanapin ng mga kasama sa bahay. Baka raw isumbong na naman ng katulong.

“Sumunod naman si Papa at nangakong babalik sa kinabukasan. Pero hindi raw nakabalik si Papa dahil biglang lumuwas ng Maynila. Malubha raw sa ospital ang amang Intsik. Hindi na nagawang makapagpaalam dahil mabilisan ang pagluwas.

“Eksakto rin naman ng panahong iyon ay malapit na ang pasukan sa unibersidad kaya hindi na nga nakabalik pa si Papa sa probinsiya para makapagpaalam kay Mama. Hanggang lumipas daw ang ilang buwan.

“May naramdamang   kakaiba si Mama sa kanyang sarili. Laging tinatamad kumilos, inaantok, nahihilo. At napansin niyang hindi pa siya nireregla…”

(Itutuloy)

DAW

MAMA

MISIS CHAN

NANG

NASA MAYNILA

PAPA

PERO

RAFAEL

RAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with