^

True Confessions

Ganti (96)

- Ronnie M. Halos -

“KATULONG din po ang mama ko sa isang mag-anak na Intsik sa kanilang probinsiya. Ang kaibahan lang po ng story niya sa inyo e yung anak ng amo niya ang nakabuntis sa kanya…”

Hindi naman makapag-salita si Lorena. Malaki nga ang pagkakahawig ng story niya at ng mama ni Viah. Pero ginahasa rin kaya ang mama niya ng anak ng Intsik?

Nabasa yata ni Viah ang iniisip ni Lorena.

‘‘Hindi po pinagsamantalahan si Mama ng anak ng Intsik. Sa katunayan po. Nagmahalan sila. Mahal na mahal po ng Intsik ang mama ko.”

Napamulagat si Lorena. Kakaiba nga ang story. May pag-ibig na namagitan. Nang mabuo si Viah ay may sahog na pag-ibig. Siya, pagkasuklam at pagkapoot ang nadama dahil kaya nabuo si Edel sa sinapupunan niya ay dahil sa pamumuwersa. Ipinilit sa kanya ang mapait na katas ng lalaking matakaw sa laman.

“Viah, ikuwento mo nga sa akin nang buung-buo ang story ng mama mo. Nasasabik ako. Mas exciting ang kuwento niya.”

“Pareho lang pong exciting ang kuwento ninyong dalawa. Kasi po, halos nagkakapareho ang ugali ninyo ng mama ko. Nagpapasalamat nga ako sa kanya dahil sa kabila na hindi siya natanggap ng mga magulang ni Papa, hindi niya ako pinabayaan. Kung siguro sa ibang babae o ina, baka na-i-flush na ang pinagbubuntis sa inidoro, iniwan sa tabing basurahan makaraang iabort. Nababalitaan n’yo po ba ang mga tinatapong fetus ngayon? Para lang nagtapon ng kuting at tuta.”

Nakatitig si Lorena kay Viah. Hindi ba’t nagpasalamat din sa kanya ang anak na si Edel noon. Salamat daw at hindi siya inilaglag. Salamat daw at meron siyang ina na matatag at matapang sa pag­harap sa mga unos ng buhay.

Ikinuwento ni Viah ang kasaysayan ng kanyang mama. Mga 18 o 19 daw ito nang maging katulong sa bahay nang mayamang Intsik sa kanilang lugar sa probinsiya. Ang Intsik ang may pinakamala-king rice mill. Bukod doon ay namimili rin ito ng copra. May bakery at restaurant. Nakapasok daw na katulong ang kanyang mama sa bahay ng Intsik dahil nirekomenda ng isang kakilala.

Unang tingin pa lamang ng mama niya sa among babae ay halatang matapobre. Mas mabuti pa raw ang lalaking among Intsik at ngumingiti. Ang among babae ay nakasimangot. Sa pagkaalam daw ng mama niya, ang among babae ay dating isang kahig, isang tuka pero nang mapa-ngasawa ng Intsik ay nagbago na ang ugali. Naging mapagmataas na.

Dalawa raw ang anak ng mga amo. Isang lalaki at isang babae. Ang babae ay 20 anyos at ang lalaki ay 18. Nag-aaral sa Maynila ang dalawa pero kapag semestral break ay umuuwi sa probinsiya nila.

Nang una raw magkita ang mama ni Viah at ang anak na lalaki ng kanyang mga amo, may kakaiba na itong naramdaman. Guwapo ang lalaki at tipong mabait. Nginitian daw ang mama niya. May biloy daw sa pisngi.

(Itutuloy)

ANAK

ANG INTSIK

DAW

EDEL

INTSIK

LORENA

MAMA

NANG

NIYA

VIAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with