^

True Confessions

Ganti (84)

- Ronnie M. Halos -

KUMIKISLAP ang mga mata ni Lyra habang nagkukuwento tungkol kay Josh na taga-Sydney.

“Uuwi si Josh dito sa isang buwan, Ate pero doon kami pa-kakasal sa Sydney. Ate, sobrang ligaya ko kasi noon pa ay pangarap ko nang makarating sa ibang bansa.”

“Talaga bang mahal mo ang Josh na yan. Baka saktan ka laman niyan.’’

“Hindi naman siguro Ate. Katoliko rin si Josh at nag-aral sa isang mahusay na school bago nag-Australia. Sabi ko nga sa kanya baka ikahiya niya ako dahil hindi nakatapos ng kolehiyo. Hindi raw siya tumitingin sa pinag-aralan…”

“Mabuti naman.”

“Kapag naroon na ako at magkaroon ng trabaho, padadalhan kita ng pamasahe para makarating ka sa Sydney.”

Nagtawa si Lorena. Siya kaagad ang naisip ni Lyra.

“Salamat naman pero gawin mo lang yun kapag mayroon ka ng matatag na trabaho, Lyra. Mahirap kapag aasa ka sa iyong asawa.”

“Basta iyon ang plano ko Ate Lorena. Pipilitin kong makara-ting ka rin sa Sydney.”

“Malulungkot din ako kapag umalis ka na rito sa poder ko. Umiyak ako nang magsipag-asawa sina Encar at Pau. Tapos ay ikaw naman nga-yon. Siguro wala nang matitira rito sa akin…”

“Si Ate naman at gusto pa akong paiyakin. Marami ka pang makakasama rito. Di ba hindi naman umalis sina Encar at Nado. Narito pa rin sila sa Nagcarlan at hindi talaga aalis.”

“Iyon nga ang sabi niya sa akin. Kahit daw umalis kayo, siya e mananatili rito sa Nagcarlan.”

Basta ako Ate, ka-pag nasa Australia na, lagi kitang tatawagan.”

“Salamat.”

Makalipas ang isang buwan ay dumating ang nobyo ni Lyra na si Josh. Ipinakilala kay Lorena at pasado si Josh. Mabait at mukhang responsableng lalaki. Inayos ang mga papeles ni Lyra sa pagtungo sa Sydney.

Nang maayos iyon ay lumipad na si Lyra. Malungkot ang paghi-hiwalay nila nina Lorena at mga kasamang tindera.

Lumipas pa ang mga buwan at natanggap ni Lorena ang ipinadalang video ng kasal ni Lyra sa Sydney. Bakas sa mukha ni Lyra ang kasiyahan.

Mas matindi naman ang kasiyahan na nadama ni Lorena sapagkat alam niyang nasa mabuti nang kalagayan si Lyra. Mula sa kahirapan, pagdurusa at sakit, nahango niya ang dalaga. (Itutuloy)

vuukle comment

ATE

ATE LORENA

ENCAR

LORENA

LYRA

NAGCARLAN

NAMAN

SI ATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with