^

True Confessions

Ganti (70)

- Ronnie M. Halos -

WALANG makapagsalita nang makita nila si Encar. Bumaba ito sa traysikel. Halata na ang paglaki ng tiyan sa suot.

Tama ang sabi ni Lyra na darating si Encar. 

“Mam Lorena! Mam Lorena!” tawag ni Encar.

Si Lyra ang mabilis na lumabas para salu­bungin si Encar. Nakabuntot naman ang iba pa. Lahat ay pawang namamangha sa biglang pagdating ni Encar. Si Lorena ay walang imik. Pero sa sa-rili, lihim siyang umuusal ng pasasalamat sa Diyos dahil dininig ang dalangin niya na maitakas lahat ang mga inaabusong tindera. Ngayon ay kumpleto na ang mga tindera sa pagdating ni Encar.

“Mam Lorena!” Si­gaw ni Encar nang ma­kapasok sa loob. Akay siya ni Lyra.

“Encar, maligayang pagdating!”

Yumakap si Encar kay Lorena.

“Mam, salamat po sa iyo.”

“Mabuti at nakita mo ang bayan namin, Encar.”

“Pinangako ko po kay Lyra na susunod ako. Noon ko pa po kinuha ang address n’yo rito sa Nagcarlan. Madali lang palang hanapin.”

“Ngayong narito ka na e wala na akong problema. Nabunutan na ako ng tinik. Natapos na rin ang misyon ko. Puwede na akong matulog nang mahimbing.”

“Kahanga-hanga ka Mam Lorena.”

“Alam ko rin kasi ang hirap na naranasan n’yo – lalo na ang naranasan mo.”

Napaiyak na si Encar. Napasubsob sa balikat ni Lorena. Sina Lyra at mga kasama ay lihim ding napaiyak.

Pagkaraan ay sinabi ni Lorena kina Lyra na maghanda ng pagkain. Magseselebreyt daw sila sa pagkakaligtas ng lahat.

Kumilos sina Lyra at mga kasama para maghanda ng pagkain.

Habang naghahan­da ng pagkain ay nagkukuwentuhan sina Lorena at Encar.

“Ang akala namin, Encar ay kasama ka sa nasunog. Kasi lahat daw ng tindera ay kasamang nasunog. Sabi ng nakausap kong babae na nakasaksi sa sunog ay tatlong tindera raw ang nasunog at kabilang ka…”

“Wala pong nasunog na tindera, Mam. Dalawa lamang po ang nasunog,” sabing seryoso ni Encar.

“Kung ganoon ay nasaan na ang dalawang tindera?”

“Umuwi na po sa ka­nilang probinsiya. Ako po ang naghatid sa kanila sa terminal. Maayos na po sila. Hindi na raw po sila babalik sa Maynila para magpaalila. Nakaranas na agad sila ng pananakit sa amo naming babae…”

Hindi makapaniwala si Lorena. Lumalalim ang kuwento.

“Paanong ginawa n’yo nang nasusunog na ang bahay, Encar?”

“Ginising ko po ang dalawang tindera at lumabas na kami.”

“Paano ba talaga nagsimula ang sunog?”

Hindi makasagot si Encar. Para bang ti­nitimbang si Lorena.

Hindi naman humihinga si Lorena.

(Itutuloy)

ENCAR

LORENA

LYRA

MAM LORENA

SI LORENA

SI LYRA

SINA LYRA

TINDERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with