^

True Confessions

Ganti (62)

- Ronnie M. Halos -

BINAWI ng babaing In- tsik ang pagkakatingin sa pangit na peklat sa kamay ni Lorena. Nakahalata yata ang Intsik na ang babaing kaharap niya ay ang pinagmalupitan niya noon. Matagal na nakatitig sa peklat. Pero siguro, hindi sinasadyang napatingin lang. Nalimutan kasi ni Lorena na itago ang peklat sa mahabang manggas ng suot na damit.

Binayaran ni Lorena. Malaki ang pinagbayaran niya. Para bang huling pakyaw na niya iyon ng fishballs at iba pang produkto sa tindahang iyon. Tuwang-tuwa ang Intsik. Malaki ang kinita niya kay Lorena.

“Bumalik ka uli ha. Bigyan kita kalendaryo pagbalik mo,” sabi na ang mga mata ay halos magsara na dahil sa pagkasingkit. Naalala ni Lorena ang mga sakit at kirot na naranasan niya sa taong ito. Hindi niya malilimutan ang mga dinanas na hirap. Kahit pa bali-baliktarin ang mundo, hindi mawawala ang galit niya sa kaharap na babae.

“Ano nga ba pangalan mo?” Tanong ng Intsik.

Agad nakapag-isip ng alyas si Lorena.

“Nery.”

“Balik ka Nery ha. Marami pang idedeliber na bagong fishballs at calamares. Masarap na masarap. Baka sa isang linggo mayroon na rin akong tindang sauce para sa fishballs. Maanghang, matamis, spicy. Talagang masarap…”

“Oo, babalik ako. Kukuha pa ako nang marami.”

“Saan ba sa inyo, Nery?”

Nakapag-isip agad si Loren ng isasagot.

“Sa Mindoro.”

“Ah nandun ang kapatid kong lalaki, namamakyaw ng kopras.”

Napatango na lang si Lorena. Nagpaalam na siya. Baka mahalata pa siya kung magpapatuloy sa pakikipag-usap sa babae.

Mahaba pa ang oras bago ang takdang usapan nila ni Lyra. Sinabihan ni Lorena ang kanyang drayber na magpalipas sila sa isang mall at babalik na lang sila rito pagsapit ng alas diyes ng gabi.

Kabisado na ng drayber ang plano ni Lorena.

“Katulad ng dati, Aling Lorena?”

“Oo, Nanding. May sasagipin uli tayo. Siguro, last na ito. Pagnatapos ito, masaya na siguro ako.’

“Sige po. Alam ko na ang gagawin.”

“Puwede kang mamasyal muna habang naghihintay ng oras. Kung may kamag-anak ka rito sa Maynila ay pasyalan mo muna. Ako naman ay bibili ng kakailanganin ni Pau sa botika.”

“Matutulog na lang ako sa sasakyan, Aling Lorena. Para mamaya, kahit na madaling araw tayo sa pagbibiyahe e walang problema.”

“Okey. Etong pera, bumili ka na lang ng pagkain mo. Dun na lang tayo mag­kikita sa parking. Alas-    nuwebe tayo tutulak.”

“Sige po.” (Itutuloy)

ALING LORENA

INTSIK

LORENA

MALAKI

NERY

NIYA

OO

SA MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with