Ganti(9)
PINANGATAWANAN na umano ng mag-asawang Erning at Delia ang pagkupkop kay Lorena. Lalo na nang malaman ng mga ito na wala na pala itong ina at ang ama naman ay nag-asawa ng iba. Hindi raw malaman ni Lorena kung nasaan na ang ama. Wala na raw silang komunikasyon.
Kaya nang luma-bas ng ospital si Lorena, sa bahay na ng mag-asawa siya tumira. Hindi na inisip ng mag-asawa kung magkakaroon man sila ng problema sa pag-ampon na iyon kay Lorena. Basta ang nasa isip daw ng mag-asawa ay matulu-ngan si Lorena.
Sa isang apartment sa Manunggal St. sa Tatalon QC nakatira ang mag-asawa.
“Dito ka na sa amin mula ngayon, Lorena. Dadalawa na lamang kami ni Erning dito,” sabi ni Aling Delia. Pareho nang retiradong empleado ang dalawa. Ang mga anak ay nasa ibang bansa.
“Oo nga, Lorena. Safe ka rito,” sabi naman ni Mang Erning.
Naiyak na naman daw si Lorena. May-roon pa palang mabu-ting tao sa mundo. Akala niya, lahat nang tao ay katulad ng amo niyang Intsik.
“Huwag ka nang umiyak. Hayaan mo at makakarma rin ang amo mong Intsik. Mas matindi pa ang mangyayari sa kanya,” sabi ni Aling Delia.
“Oo nga. Yung mga gumawa ng masama sa kapwa e nagbaba-yad sa dakong huli.”
Pero lalo pang umiyak si Lorena. Hindi pa niya naipagtatapat sa mag-asawa na ginahasa siya ng among lalaki. Hindi na niya kayang itago pa kaya sinabi na sa mabait na mag-asawa.
“Kasi po’y bukod sa minaltrato ako, ginaha-sa pa ako ng amo kong lalaki,” sabi niya.
Kapwa napanga-nga ang dalawang matanda. Hindi makapaniwala na bukod sa pahirap na idinulot ng babaing amo ay ginahasa pa pala.
“Dapat lang pala talaga na makulong ang mga amo mo. Sobra ang pahirap na ibinigay sa’yo. Masahol pa sa hayup!” sabi ni Aling Delia na niyakap si Lorena.
Si Mang Erning ay halos mapaiyak din sa sinapit ni Lorena.
“Kinawawa kang masyado. Kung bakit kung sino pa ang mahirap e siyang inaapi,” sabi ni Mang Erning.
Makalipas daw ang ilang buwan, ay nagsusuka si Lorena. Palatandaang buntis.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending