^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (95)

- Ronnie M. Halos -

PINALIPAS ni Fred ang may sampung minuto bago muling dinayal ang number ni Ganda. Pero hindi makontak. Baka sinara nang tuluyan. O baka naman ina­gaw ng kung sino mang nagbabawal.

Pagkaraan uli ng sampung minuto ay tinawagan uli niya. Sa wakas ay nag-ring.

“Hello, Ganda!”

“Hello Mang Fred.”

“Anong nangyari? Ba’t ka nawala?”

“May pumasok dito. Nagtulug-tulugan lang ako.”

“Yung amo mong adik?”

“Hindi yung babae. Madalas akong i-tsek dahil   minsan nasabi kong aalis na lang akong bigla.”

“Akala ko, yung sinasabi mong amo mo na adik ang pumasok at kung ano na ang ginagawa sa’yo.”

“Akala ko nga. Natatakot ako, Mang Fred.”

“Posibleng reypin ka dahil adik.”

“Nahuli ko nang sinisilipan ako sa banyo. Kaya kapag naliligo ako, hindi na ako naghuhubad. May damit na ako…”

“Hindi katulad ng paliligo mo sa sapa…” pagbibiro ni Fred. “Joke lang, Ganda.”

“Mang Fred natatakot ako sa adik. Paano ba ang gagawin ko?”

“Sige kung gusto mo nang umalis diyan, susunduin kita. Tumakas ka na. Bahala na. Kaysa naman mapahamak ka.”

“Ang ikinatatakot ko ay may nagbabantay sa akin. Baka paglabas ko ay big­lang may pumigil sa akin.”

“Bakit ka naman pini-pigilan e kung ayaw mo na sa kanila.”

“Wala kasi silang makuhang katulong. Wala nang gustong pumasok. E ako kayang-kaya nila dahil wala naman akong tatakbuhan dito. Alam ng amo kong ba­bae na probinsiyana ako. Akala nga niya tatanga-tanga pa ako.”

“Dapat nga pala layasan mo na ang amo mong ‘yan.”

“Paano ang gagawin ko, Mang Fred.”

“Bukas ba mamamalengke uli kayo?”

“Hindi ako sigurado, Mang Fred.”

“Kapag namalengke kayo bukas, tumakas ka sa kasama mong babae. Aabangan kita sa labas ng palengke.”

“Natatakot ako.” “Gus­to mo bang makaligtas sa adik na gagahasa sa’yo?”

“Gusto.”

“Kung ganoon, itatakas na kita. Aabangan kita sa palengke ng Paco, Ganda.”

(Itutuloy)

AABANGAN

AKO

FRED

HELLO MANG FRED

MANG FRED

NATATAKOT

PAANO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with