^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (7)

- Ronnie M. Halos -

NAGTATAKA na talaga si Fred sa asawang si Precy. Bakit suklam na suklam ito nang yayain niyang magtungo sa da­ting tirahan sa Sta. Ana. Ayaw na yatang makita ang mga kapatid — lalo si Ricky.

“Baka magtaka kapag hindi ka kasama, Precy.”

“Hindi magtataka ‘yun. Ikaw na lang, Mag-iinuman lang naman kayo.”

“Paano kung magta­nong, anong sasabihin ko?”

“Sabihin mo masama ang pakiramdam. O kahit ano basta mag-imbento ka.”

Walang nagawa si Fred. Hindi niya pinilit si Precy.

Nang dumating siya sa Sta. Ana, tinanong nga agad siya ni Ricky kung bakit wala si Precy.

“Masama ang katawan, Bayaw.’

“Naku ha, baka tina­maan mo agad, isang linggo pa lang ah!”

Nagtawa lang si Fred.

“Ayos yan, para pag-alis mo ng Saudi e may laman na.”

Nagtawa lang uli siya.

“Inom na tayo, Bayaw. Para makarami,” sabi niya para mabaling sa iba ang usapan.

“Sige magpapaigib na ako, Bayaw.”

Binunot ni Fred ang pitaka at kumuha ng pera.

“Magpabili ka na rin nang maraming pulutan. Yung masarap, bayaw para ayos ang laklakan natin.”

“Ayos ito. Ano bang pu­lutan ang gusto mo, Bayaw?”

“Kahit ano, Bayaw.”

“Sisig, papaitan, crispy pata, litson…okey ba sa’yo.”

“Oo, sige.”

“Sige diyan ka muna at magpapabili ako. Manood ka muna ng TV.”

Umalis na si Ricky.

Nagtaka si Fred kung bakit wala ang bayaw na si Bino. May lakad siguro. Mukhang tahimik si Bino at malayung-malayo sa ugali ni Ricky na masyadong maboka.

Maya-maya lamang ay narito na si Ricky at may kasamang lalaki na pasan-pasan ang plastic case ng beer. Ibinaba ng lalaki ang case. Umalis na agad pag­kababa.

“Ito na ang likidong pam­pataranta, Bayaw. Ma­lamig na malamig. Yung pulutan natin, idedeliber na lang.”

“Nasaan si Bino, Bayaw?”

“Umalis. Ewan ko kung saan nagpunta. Pag Linggo, laging nasa labas, yun.”

Sinimulan nila ang inuman. Masarap ang malamig na beer. Sabay na sabay nilang naubos ang unang bote.

Lalong sumarap ang inuman nang dumating ang mga pulutan. Inupa­kan ni Fred ang crispy pata. Malutong na ma­lutong.

Sunod-sunod na ang tungga.

Lalong naging ma­boka si Ricky. May sinabi sa kapatid na si Precy.

(Itutuloy)

AYOS

BAYAW

LALONG

NAGTAWA

PRECY

RICKY

SHY

UMALIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->