Hiyasmin (331)
KARGA ni Dax ang kambal—ang isa sa kaliwa at ang isa sa kanang kamay. Ipinakita niya ang kambal kay Hiyasmin na noon ay halatang nanlalata pa makaraan ang panganganak. Pero sa kabila ng dinanas na hirap, nawalang bigla iyon nang makita ang kambal na papangalanan nilang Emmanuel Rashid at Maria Rashida. Iyon ang napili nilang pangalan bilang pag-aalala sa papa ni Hiyasmin na si Rashid.
“Ang guwapo at ang ganda nila, Love,’’ sabi ni Dax habang ipinakikita ang kambal. “Palagay ko itong si Emmanuel ay kamukha ng Lolo niyang Kuwaiti. Ang tangos ng ilong! At eto namang si Maria Rashida ay kamukha ng Lola Mary niya. Ang lakas pala ng dugo ng Kuwaiti.”
Marahang nagtawa si Hiyasmin.
Nagtawanan naman sina Mama Lira at ang nanay ni Dax. Ang dalawang lola ang bantay ni Hiyasmin mula nang manganak.
KINABUKASAN, agad na nag-video call si Dax at Hiyasmin kay Tita Mary sa U.S. Ibinalita na nanganak na at kambal ang sinilang ni Hiyasmin.
Napaiyak sa tuwa si Mary.
“Salamat sa Diyos at ligtas ka Hiyasmin. Pinagdasal kita.”
“Salamat Tita.”
(Itutuloy)
- Latest

















