Hiyasmin (332)
“SALAMAT din Hiyasmin at sinunod n’yo ang kahilingan ko na ipangalan sa aking mga pamangkin ang pangalan ng iyong ama. Ipaabot mo kay Dax ang pasasalamat ko,’’sabi ni Tita Mary na hindi maitago sa boses ang kasiyahan dahil sa pagsunod sa kanya nina Hiyasmin.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na kambal ang isinilang mo. Napakabait ng Diyos na nakaraos ka nang maluwalhati ay dalawa pang anghel ang binigay sa atin. Napakaligaya ko, Hiyasmin.”
“Mabait po talaga ang Diyos—walang kasimbait.”
“Gusto kong makita ang dalawang sanggol pero hindi n’yo pa sila maibibiyahe agad patungo rito. Mas maganda kung after one year na kayo magtungo rito sa state.”
“’Yun nga po ang iniisip namin ni Dax.”
“Tama ‘yun na after one year kayo magtungo rito.”
“Okey po Tita. Salamat po.”
“Salamat Hiyasmin. Mag-ingat kayo palagi. Ingatan ang aking mga apo.”
“Opo Tita.”
MABILIS na lumipas ang mga buwan at ganundin kabilis lumaki ang kambal. Tig-isa sina Hiyasmin at Dax sa pagkarga sa mga anak.
“Ang bigat ni Emmanuel Rashid, Love.”
“Etong si Maria Rashida ay ganundin, Love.”
(Itutuloy)
- Latest
















