Ako ay Makasalanan(110)
HINDI ako makapani-wala na madaling matatanggap sa Australia. Siguro dahil sa matindi ang aking hangarin na makaaalis ng Pilipinas. Siguro rin ay dahil sa matindi ang aking paniniwa-la sa Diyos na ako ay tutulungan. Na ang katulad kong dating makasalanan at nagsisi na ay binibigyan ng pagkakataon ng Diyos. Ibinigay sa akin ang mga taong tutulong para makamit ko ang pangarap.
Tuwang-tuwa sina Ate Annie at Ate Delia sa magandang nangyayari sa aking buhay. Itinuring ko ng kapatid ang dalawa.
“Kapag established na ang buhay mo roon ay ihanap mo naman ako ng mapapangasawa, Tess,” sabi ni Ate Annie at saka nagtawa.
“Hoy ako rin, baka puwede pa ako makahabol,” sabi naman ni Ate Delia. Ang dalawa ay parehong matandang dalaga.
‘‘Sige Ate. Kapag sanay na ako roon, ihahanap ko kayong dalawa. Siguro e may pag-asa pa kayong dalawa na makapag-asawa dahil magaganda naman kayo.”
“Sige ha, Tess. Para sama-sama na tayo roon.”
“Gusto ko pa ring makatikim ng ano “sausage” Tess kahit paano. Ihanap mo ako ha,” sabi ni Ate Delia at humalakhak.
Sa Brisbane ako nagtungo. Hindi ako nahirapan. May mga taong tumulong sa akin. Malakas ang paniwala ko, nasa akin ang pagpapala ng Diyos. Hindi Niya ako pinababayaan. Positibo ang aking isipan pa lagi. Makakaya ko ang lahat
Sa isang casino ako nakapagtrabaho. Marami akong nakilalang kababayan. Marami akong naging kaibigan.
Unti-unti, nakapagpundar ako ng kabuhayan. Regular kong napadadalhan ng pera sina Ate Annie at Ate Delia. Pero patuloy pa rin nilang sinasabi sa akin, na hindi pera ang gusto nila kundi “mapa-pangasawa”. Sabi ko maghintay lang sila.
Ilang taon pa ang lumipas, isang kababayan ang nakilala ko — si Stephen. Muling tumibok ang puso ko. Pero laging nasa isipan ko ang paalala nina Ate Delia at Ate Annie na huwag akong padalus-dalos sa pagpapasya. Alalahanin ko raw ang mga nakaraan.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending