^

True Confessions

Ako ay Makasalanan (95)

- Ronnie M. Halos -

NAGTATAKA ako kung bakit alas-diyes pa lamang ng gabi ay narito na si Mr. Dy. Karaniwang alas-dose ng hatinggabi ito dumarating o kaya ay madaling-araw. Siguro hindi na makatiis. Siguro “ulol na ulol” na sa akin.

“Ang tagal mo bago nagpunta rito,” sabi ko. Sinalubong ko sa salas. Napansin ko ang hawak na clutch bag pero hindi ako nagpahalata. “Bakit ngayon ka lang?” tanong ko pa.

“Galing ako sa Hong Kong. Business as usual,” sagot at nakita kong ipinatong ang clutch bag sa mesita.

Nilapitan ko at niyakap. Amoy alak at sigarilyo. Hinihingal.

“Inip na inip ako rito. Akala ko hindi ka pa da­rating ngayon.”

Nagtawa si Mr. Dy.

“Sana nag-shopping ka. Meron ka pang pera?”

“E wala na nga.”

“Walang problema ang pera. Bibigyan kita nang marami.”

Hinalikan ko sa bibig. Lalong matapang ang samyo ng alak at sigarilyo. Pero tiniis ko. Mamaya lang matatakasan ko na ang Tsekwang ito. Mamaya lang dalawang bundles ang didikwatin ko.

Hinalihaw ng dila ko ang dila ni Mr. Dy. Konting tiis lang at hindi ko na mala­lasahan ang laway ng Tsekwang ito.

Gumapang naman ang kamay ni Mr. Dy at sinapo ang “papaya” ko. Halos lamukutin. Parang galit o gigil. Pagkatapos sa “papaya” ay ang “ano” ko naman ang dinakma. Gutom na nga yata.

Pagkaraan ay bumitaw.

“Teka at punta lang ako sa CR. Magbabawas,” sabi at nagtungo na roon.

Iyon ang hinihintay kong pagkakataon. Di­dik­wat na ako sa clutch bag niya. Bago siya ma­tapos sa CR, kailangang nakakuha na ako ng dalawang bundles.

Nilakasan ko ang loob. Unti-unti kong bi­nuksan ang clutch bag…

(Itutuloy)

AKO

AMOY

BAKIT

HONG KONG

MAMAYA

MR. DY

SIGURO

TSEKWANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with