^

True Confessions

Ako ay Makasalanan (37)

- Ronnie M. Halos -

HATINGGABI na nang magpaalam si Bobby.

“Bukas punta uli ako rito,” sabi niya sabay halik sa labi ko.

“Papasok ako sa school.”

“Dun na lang kita puntahan. Anong oras ka lalabas?” “Mga 2 p.m.”

“Tamang-tama, yun din ang labas ko. Pag­ labas ko sa aming school puntahan na kita.”

“Bahala ka.”

“Ba’t bahala ka?”

“Sige na. Inaantok na ako.”

“Basta sa may gate ako ng school n’yo ta­tambay,” sabi at luma­bas na ng kuwarto.

Nakatulog agad ako.

Nang magising ako ng alas-kuwatro ng uma­ga wala pa si Che-r­ry. Nang mag-alas sing­ko saka ko narinig ang pagbubukas sa pinto. Lasing ang gaga.

“Gising ka pa Mari­tess?” tanong na tila nabubulol.

“Nakatulog na ako, gaga. Ikaw saan ka ga­ling? Mukhang napa­laban ka.”

“Niyaya ako ni Carlo. Uminom kami at alam mo na ang kasunod.”

Bumalik ako sa hi-ga­an. Maaga pa. Kaila­ngan ko pa ng pahinga. Nararamdaman ko pa ang sakit na dulot ng pagmamahalan namin ni Bobby. Hayup na yun at pinagsawaan ako. Kung bakit kasi hindi ko matiis nung aalis na. Sana pinaba­yaan ko na lang na uma­lis. Sana ay wa­ lang nangyari sa amin.

Nang sulyapan ko   si Cherry nakasa­lam­pak sa sahig. Doon na natulog. Katulad ko, pinagsawaan din siya ni Carlo.

Habang nakahiga   at nakatingin sa kisame, iniisip ko na sana’y magpadala na ng pera sina Tatay at Inay. Sa­bagay, hindi suma­sab­lay ang kanilang pa­dala. Tuwing a-kinse at a-treinta ng buwan ay ipinadadala nila ang pera sa biyaherang kakilala. Bukas, ay ka­torse pa lamang ng buwan kaya isang araw pa akong maghihintay ng kanilang padala. Sa umaga ng katorse ay pupuntahan ko na ang bahay ng biyahera para kunin ang allowance ko.

Wala akong kaalam-alam na namumrob­le­ma pala ng mga pana­hong iyon sina Tatay at Inay. Tinamaan pala ng bagyo ang aming pro­binsiya. Nasira ang palay, niyog at saging. Hindi nila malaman kung saan kukuha ng perang ipadadala sa akin dito sa Maynila. Hindi pala makatulog ng mga panahong iyon ang aking mga ma­gulang sapagkat ina­alala nilang wala na akong gagastusin habang nag-aaral. Suhestiyon ni Tatay ay mangutang muna ng perang ipadada- la. Kahit may mala­king tubo ay papa- yag basta may ma­ipadala.

(Itutuloy)

AKO

BUKAS

INAY

NAKATULOG

NANG

SHY

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with