Black Pearl (70)
“ANG landi ko ‘no. Frankie?” sabi ni Rina.
Napangiti lang ako. Hindi niya ina-alis ang nakadikit na hita sa binti ko. Patuloy namang may gumagapang na kuryente sa katawan ni Frankie Boy. Pero napansin ko, mas buo at banayad ang daloy ng kuryente sa pagkakataong ito kaysa noong si Melissa ang nagpakita sa akin ng motibo. Hindi ganap ang pagdaloy noon. Naisip ko, dahil mayroong konsensiya na nakatingin sa akin. Ngayon ay wala. Ni wala nang nagsasabi o nagmumura na mali ang ginagawa ko. Paano’y pareho kaming walang “tali” ni Rina. At kung matutuloy man ngayon ang pagsasanib namin ni Melissa, ang magiging kasalanan namin ay magtatalik kami na hindi kasal. Pero pananagutan ko ang anumang mangyari sa amin ng babaing ito.
“Gusto kita Frankie,” sabi ni Rina na walang halong pagkukunwari, Totoo sa loob. “Sinasabi ko kung ano ang nararamdaman ko.”
“Gusto rin kita, Rina.”
“Hindi ka nalalandian sa akin. Ako na ang naunang nagpapakita ng pagkagusto.”
“Ba’t naman ako malalandian e hindi ka naman ganoon. Naunahan mo lang ako, Rina. Kahapon pa sana e pupuntahan kita rito kaya lang sabi ko, kailangan mong mapag-isa. Kahapon pa kita gustong samahan dito. Nag-aalala ako.”
“Kahapon pa nga sana kita papupunta-hin kaya lang nagpigil ako. Baka naman lumalampas na ako sa dapat kalagyan ko. May hiya pa rin naman ako. Pero kapag pala punumpuno ka na ng problema, kalilimutan mo na ang hiya. E ano ba kung ipakita ko na ang tunay na nadarama sa’yo.”
Sa ilalim ng mesa, marahan kong dinama ng palad ang makinis na hita ni Rina.
“Frankie ha, sige ka.”
“Ganito ako kapag mahal na mahal ang babae.”
“Owww?”
“Ayaw mong maniwala, Rina?”
“Ipadama mo.”
Na-challenge na ako. Kumilos na ako para maipadama kay Rina ang katapatan ng pag-ibig ko.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending















