^

True Confessions

Black Pearl (35)

- Ronnie M. Halos -

PATULOY na nagsalita si Fernando tungkol kay Melissa. Parami nang parami ang ikinukuwento niya. Hindi pa kami umiinom pero emosyonal na siya at paa­no pa kung may karga na.

“Naikuwento ko na ba sa’yo kung paano kami nagkakilala ni Melissa?” tanong sa akin.

“Hindi pa.”

“Nakilala ko ‘yan noong bagong dating ako galing Saudi. Nakasabay ko sa bar­ko sa Batangas. Siyem­pre, matikas na matikas pa ako noon, mayabang pa. May mataba akong kuwin­-tas. Nakipagkilala ako. Es­tudyante siya noon sa isang unibersidad.”

Napatangu-tango ako.

“Mula Batangas hang­gang Calapan ay magkau­sap kami. Tinanong ko kung may boyfriend siya. Meron daw. Kaklase niya. Agad kong biniro kung tumatang­gap pa siya ng aplikante kahit  na me siyota na. Nag­tawa lang. Dineretsa ko na siya. Sabi ko pupuntahan     ko siya sa bahay nila. Iti­nanong ko ang bahay nila kung saan. Sinabi naman.”

“Pinuntahan mo naman.”

“Oo. Sa Lumangbayan ang kanila. Hindi siya maka­paniwala nang bigla akong dumating sa kanila. Pati yung nanay niya, gulat na gulat.”

“Anong sabi ni Melissa?”

“E di tinanggap ako. Me pasalubong ako sa nanay niya – kuwintas na Saudi gold. Nakita ko nanlaki ang mga mata.”

“Ang tatay ni Melissa nasaan?”

“Nasa barko — seaman. Cook daw. Tatlo silang mag­kakapatid na parehong ba­bae.”

“Anong nangyari sa pan­liligaw mo?”

“Siyempre mabilis ako. Parang hindi mo ako kilala. Kahit na malaki ang agwat ng edad ko kay Melis-sa, hindi iyon sagabal. Si Fer­nando pa!”

Tumigil sa pagkuku­wento si Fer­­nando nang lumapit si Me­lissa. Me   dala ito.

“Anong pinagkuku­wen­tuhan n’yo?”

“Ikinu-kuwento ko kung paano tayo nagkakilala, ‘Ma.”

“Ay kakahiya kay Frank. Wag mo nang ikuwento. Mabibisto pa.”

“Naikuwento ko na ang unang bahagi.”

Umirap si Melissa. Pa­rang may gustong itago     sa buhay niya.

“’Wag mo nang iku­wento!” (Itutuloy)

AKO

ANONG

MULA BATANGAS

NAIKUWENTO

SA LUMANGBAYAN

SHY

SI FER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with