^

True Confessions

Laman (67)

- Ronnie M. Halos -

HINDI akalain ni Ate Lina na ganoon ang kahihinat­nan ng lahat. Hindi niya akalain na ang isang ma­ta­yog at matapang na si Cynthia ay tatapusin ang sariling buhay. Hindi niya nakita kay Cynthia ang ganoong kahinaan noong panahon na sinira nito ang magandang relasyon nila ni Joshua. Matapang na babae pero nagpakama­tay. Napailing-iling si Ate Lina. Hindi ganito ang kan­yang inaasahan.

Nang magising si Raffy, ikinuwento niya ang nang­­ya­ri kay Cynthia. Nasa muk­ha ni Raffy ang pagkabigla. Parang biglang nanghina. Napaupong bigla sa sopa. Umiling-iling. Saka nakita niyang nag-unahan sa pag­tulo ang luha sa pisngi. Na­kokonsensiya yata sa nang­yari. Nagpakamatay si Cyn­thia dahil sa matinding kahi­hiyan nang hindi niya sipu­-tin sa araw ng kasal. Iyon ang narinig niya sa balita   sa TV.

Iisa ang ibig sabihin ng pagluha ni Raffy, mahal      pa rin nito si Cynthia. Kahit na nabuyo nang husto kay Ate Lina, nasa puso pa rin nito ang pagmamahal kay Cynthia.

Sabi ni Ate Lina, ang pang­yayaring iyon ang naging dahilan kung bakit naghi­walay sila ng landas ni Raf­fy. Hindi niya alam pero na­sumpungan na lamang ni­lang dalawa na magkanya-kanya na. Pero bago sila nag­hiwalay, nagawang ipagta­pat ni Ate Lina ang “lihim” ukol sa kanila ni Cynthia. Si­nabi niyang paghihiganti talaga ang motibo niya kaya nagawang paibigin si Raffy. Ginamit lamang niya ito.

Naunawaan naman siya ni Raffy.

Iyon daw ang huling pag-uusap nila ni Raffy. Mula raw noon wala na siyang balita ukol dito.

Hanggang sa isang araw ay isang lalaki ang naki­tang lumulutang sa Ilog. Hinala ng pulis ay pina­tay at saka tinapon sa ilog. Nabuo ang suspetsang pag­hihiganti ang dahilan kaya pinatay ang lalaki. Ang lalaki ay walang iba kundi si Raffy.

Nabuo ang hinala kay Ate Lina, na ibinayad ng mga kapatid ni Cynthia ang pagpatay kay Raffy. Gina­wa para makaganti sa      gi­na­wang pang-aapi ni Raffy sa kanilang kapatid.

Doon natapos ang ku­wento ni Ate Lina.

“Di ba journalism ang kinukuha mo?” tanong niya sa akin.

Tumango ako.

“Isulat mo ako ha?”

Tumango ako.

(Itutuloy)

ATE

ATE LINA

CYNTHIA

IYON

LINA

NABUO

NIYA

RAFFY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with