Apoy sa Balsa (56)
HALOS tumalon sa labas ng dibdib ni Rhea ang kanyang puso dahil sa sobrang lakas ng pagkabog nito. Damang-dama kasi niya na babanggitin ni Marco ang natuklasan nito tungkol sa kanila ni Kael.
“No notes on the performance,” malumanay na wika ni Marco,“Kael delivered beyond expectations. The campaign is a total success.”
Nakahinga nang maluwag si Rhea. Abot hanggang tenga naman ang ngiti ni Miss Agatha. “Thank you, Marco! We’re already preparing the draft for the holiday campaign extensions.”
“Just one thing,” dugtong ni Marco, dahilan para muling tumigas ang balikat ni Rhea.
Humarap si Marco sa kanyang Marketing Head, bago muling pormal na tumingin kay Rhea. “Since we are extending the contract for another two quarters, I trust the agency will ensure that our talent’s public brand remains fully protected and aligned with our terms. We want to avoid any sudden PR risks or complications while the campaign is at its peak.”
“Of course, Marco,” mabilis na sagot ni Ms. Agatha nang may kumpiyansa. “Manager Frank and our team strictly monitor Kael’s schedule and public engagements. His clean, eligible bachelor image is guaranteed 100 percent.”
Tumingin si Marco kay Rhea. Walang ngiti sa kanyang mga labi.
“Good. I’m placing full trust in you, Rhea. You’ve managed this account brilliantly so far.”
“Thank you, Marco,” pormal na sagot ni Rhea, pinipilit na huwag manginig ang kanyang boses. “We will keep everything under control.”
Nang matapos ang meeting at mag-umpisa nang magligpit ng kanilang mga gamit ang ahensiya, lumapit si Marco para makipagkamay kay Ms. Agatha at sa iba pang kinatawan.
Nang makipagkamay siya kay Rhea, mabilis at pormal lang ang paghawak ng kanyang kamay, tulad ng isang karaniwang transaksiyon sa pagitan ng kliyente at ng ahensya. Walang binanggit tungkol sa hallway. Walang binanggit tungkol kay Kael. Pero bago bumalik si Rhea sa kanilang agency, bigla siyang nilapitan at binulungan ni Marco.
“Rhea, puwede ba tayong mag-usap bago ka umalis?”
Itutuloy
- Latest




















