Apoy sa Balsa (58)
“Mag-iingat kayo,” payo ni Marco habang kinukuha ang kanyang tasa. “Protektahan mo ang iyong sarili at ang pinaghirapan mong career, Rhea. Hindi lang si Kael ang may kailangang ingatan sa relasyon n’yo.”
Nagpaalam na si Marco at naglakad pabalik sa elevator.
Naiwang nakatulala si Rhea sa upuan, hawak ang mainit na tasa ng kape. Ang takot na matagal nang pumipigil sa kanyang paghinga ay tuluyang napawi, ngunit ang alaala ni Marco ay mananatiling nakaukit sa kanyang isipan.
***
PAG-UWI ni Rhea, nakatayo si Kael sa harap ng kanyang kitchen island, balisa at tulala habang paulit-ulit na nililipat ang mga pahina ng isang printed talent contract.
Napansin agad ni Rhea ang kakaibang gawi ng binata pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa unit nito. May tsaa sa mesa, ngunit hindi iyon nababawasan.
“May problema ba?” tanong ni Rhea habang dahan-dahang lumalapit at humahawak sa braso ni Kael. “Kanina ka pa balisa.”
Huminga nang malalim si Kael, halatang nanginginig ang boses sa kaba. “May bago akong TV commercial ad... napakalaki ng talent fee, Rhea.”
Kumislap ang mga mata ni Rhea. “Magandang balita ‘yan! Bakit ganyan ang mukha mo?”
Inangat ni Kael ang contract at iniaabot sa kanya, hindi makatingin nang deretso sa mga mata ng dalaga. “May kasama kasi ako sa commercial na ‘yun... si Winona Daniela.”
Napatigil si Rhea. Notorious sa showbiz si Winona, isang napakasikat at napakaseksing actress-influencer na kilala na laging nali-link sa bawat lalaking nakakatrabaho nito sa harap ng camera.
(Itutuloy)
- Latest





















