^

True Confessions

Apoy sa Balsa (61)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG tumataas ang views ng mga reels ni Kael at Winona mula sa kanilang TV commercial, nalulunod naman sa selos si Rhea at mas lalo itong mahirap para sa kanya dahil hindi niya ito maaaring ipakita sa iba ang nararamdaman niya.

Maaga pa lang, mainit na ang mga linya ng telepono. Ang marketing team ng fast-food chain, sa pamumuno ni Marco, ay mabilis na nakatunog sa matinding virality ng WiKael loveteam. Nakita ng kliyente ang opurtunidad para sa mas malaking benta, kaya agad silang humingi ng panibagong follow-up digital campaign para sa dalawa.

Sa loob ng board room ng ahensiya, bakas ang katuwaan sa mukha ni Ms. Agatha habang nakatingin sa mga engagement metrics.

“Rhea, this is a goldmine,” pahayag ni Ms. ­Agatha habang itinuturo ang screen. “The client wants a fast-turnaround campaign for the holidays. Gusto nilang sakyan ang loveteam ni Kael at Winona. I need your team to conceptualize a romantic storyline for the two of them by tomorrow. Magiging series of ads ito sa TikTok na parang magiging mini tele­serye in vertical format.”

Nakatayo si Rhea sa dulo ng mesa, hawak ang kanyang ballpen. Bilang Supervising Creative Director, propesyonal siyang tumango. “Noted, Ms. Agatha. We’ll draft the storyboards.”

“Gusto ko ‘yung nakakakilig ha. ‘Yung tipong ikaw mismo, kinikilig habang binubuo mo ‘yung storyboard.”

Ngunit hindi pa roon nagtatapos ang pressure. Pagbalik ni Rhea sa kanyang opisina, tumawag ang manager ni Kael na si Manager Frank.

“Rhea, my dear!” masayang bati ni Manager Frank sa kabilang linya. “Na­balitaan ko ang request ng client ninyo. Pumapayag ako sa extension, basta taasan n’yo ang talent fee ni Kael. Napakalaking bagay ng loveteam nila ni Winona ngayon. Nag-i-inquire na rin ang isang clothing brand sa tambalan nilang dalawa!”

Habang nakikinig kay Manager Frank, ramdam ni Rhea ang matinding sikip sa kanyang dibdib.

Kailangan niyang ­ipatupad ang gusto ng kanyang ahensiya, sundin ang kahilingan ng ­kliyente, at talent manager ni Kael, lahat para sa isang kathang-isip na relasyon ng boyfriend niya at ng isang bida-bidang influencer.

Naipit si Rhea sa gitna ng kanyang propesyon at puso. Kailangan niyang manatiling matalino at walang emosyon, habang ang buong mundo sa paligid niya ay abala sa pagpaplano ng “love life” ng lalaking kanyang minamahal.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with