^

True Confessions

Ninong (ika-103 na labas)

- Ronnie M. Halos -

NAGULAT ako nang ba­tiin ng babae habang na­kasakay kami sa jeepney at bumabagtas sa Taft Avenue. Patungo ako sa agency na magpapaalis sa akin.

“Kumusta Sir?”

Hindi ako makapag­salita. Paano’y hindi ko agad naalala ang babae.

“Ako po yung kasa­ma­han ni Diana sa office. ’Yung nasa Paco. Di po ba nagpunta ka sa akin noon at tinatanong si Diana.”

Naalala ko na. Siya yung nagkuwento sa akin na kaya umalis si Diana sa office ay dahil nahuli ito na nakikipag-sex sa boss nilang ma­tanda. Ang babae ring ito ang nagsabi sa akin na hindi totoong nagtungo sa Tagaytay si Diana para mag-seminar.

“Anong balita, Mam?” tanong ko sa babae na hindi ko naman naitanong ang pangalan.

“Ako nga po ang maki­kibalita tungkol kay Diana. Di ba pinsan mo po siya?”

Napalunok ako sa ta­nong ng babae. Nasabi ko nga pala noon sa kanya na pinsan ko si Diana.

“Ha e oo.”

“Ano na pong nangyari sa pagkakapatay sa kanya?”

“Pagkakapatay?”

“Opo. Nalathala po sa tabloid ang pagpatay sa kanya sa condo.”

Hindi ako makapag­salita. Wala akong kaalam-alam.

“Hindi mo po alam ang nangyari sa pinsan mo?”

“Kasi’y naospital ako. Mga isang buwan ako sa ospital. Nasaksak kasi ako…”

“Ah. Kaya pala hindi mo alam, Sir. Wala pong nag­balita sa’yo?”

“Wala. Kasi’y malayong pinsan ko na naman siya,” pagsisinungaling ko.”

“Natagpuan po siyang patay sa condo. Hubu’t hubad daw, pinatay muna at saka sinunog ang kata­wan. Sabi po sa balita e pinagnakawan din. Marami raw pera si Diana sabi sa balita.”

“Ganon ba?”

“Ang sabi ng mga pulis e baka sadyang ipinapatay si Diana dahil siniguradong patay nang iwan at sinunog pa nga.”

“Sino raw ang suspect ng pulis?”

“Wala pong sinabi. Pero lumalabas po na talagang iniupa para patayin si Diana. Ang ipinagtataka ng pulis ay bakit pinagna­kawan din…”

Napatangu-tango ako. Para bang gumaan ang loob ko. Ewan ko siguro’y dahil sa nagbayad na si Diana sa kasalanan sa akin. Yung pera niyang na­dekwat sa akin e ninakaw din sa kanya.

“Akala ko po Sir e may balita ka tungkol sa pinsan mong si Diana. Pero huwag kang magagalit Sir ha? Kasi’y maraming may galit kay Diana dahil masyadong mahilig pumatol sa mga may-edad na lalaki. Akala ko nga nung nagpunta ka sa opis namin, e isa ka sa nadenggoy ni Diana…”

“H-hindi. Malayo ko siyang pinsan.”

“So hindi na kayo nag­kita kahit minsan ni Diana?”

“Hindi na.”

“E di wala ka ring ba­lita sa asawa niya, Sir?”

“Si Jigo?”

“Opo.”

“Nagpakamatay daw kasi ’yun. Nagbigti”

“Ganun po ba? Siguro dahil sa dinulot na prob­lema ni Diana ano po?”

“Siguro nga.”

Sumapit ang jeepney sa Pedro Gil St. Pareho kaming bumaba.

“Sasakay po ako ng jeepney, ikaw po?” sabi ng babae.

“Maglalakad lang ako. Diyan lang sa kabilang kanto ang punta ko — sa agency…”

“Magsa-Saudi ka Sir?”

“Oo.”

“Sige po, good luck.”

“Salamat sa inpor­masyon kay Diana, ha?”

“Okey lang po yun.”

(Itutuloy)

AKO

DIANA

KASI

KUMUSTA SIR

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with