^

True Confessions

Ate Flora (73)

- Ronnie M. Halos -

NOONG una ay hindi ko binibigyan ng pansin ang nakikitang dalawang tao na madalas dumaan sa tapat ng inuupahan na-ming bahay ni Ate Flora. Marami kasing tao ang araw-araw na nagdaraan doon.

Pero nang mapansin ko na sa direksiyon ng aming bahay nakatingin kapag nagdadaan ang dalawang lalaki ay nag­hinala na ako. Baka mga miyembro ng Akyat ba-hay ang mga lalaki. Kasi nga’y maiilap ang mga mata at para bang tiniti­yak kung tama ang ka­nilang tinatarget naka­wan. Ga­noon ang aking kutob.

Sinabi ko kay Ate ang aking naobserbahan.

“Palagay ko sinusur­veilance tayo ni Raquel, Ara. May binabalak siya para sa atin. Maghihiganti! At siguro ay matinding ganti.”

“Ano sa palagay mo    Ate natanggap na ni Tito Noel ang pinadala nating sulat ng kataksilan?”

“Siguro.”

“Ano kaya ang mangya­yari, Ate?”

“Bahala na. Basta mag­handa tayo. Kung hindi  tayo kakampihan ni Tito Noel, bahala siya…”

Makalipas ang isang linggo ay nagulat kami ni  Ate Flora nang may du­ma­ting sa inuupahan naming bahay. Noon ay Linggo at nagpapa­hinga kaming mag­kapatid nang may kumatok. Sunud-sunod! Para bang wawasakin na ang pinto.

Nang pagbuksan namin ay bumulaga sa amin si  Tito Noel at nasa likuran niya si Tita Raquel. Ngising aso si Tita Raquel. Para bang nakasisiguro na sa maaaring mangyari sa aming magkapatid.

“Narito lang pala kayo mga walang utang na    loob!” sabi agad ni Tito Noel. Malakas.

“Tito Noel bakit po?” ta­nong ni Ate.

“Huwag ka nang mag­ma­ang-maaangan, Flora at bistado ka na pati ang ka­patid mong maldita.

“Tungkol po ba sa pan­lalalaki ng asawa mo, Tito Noel?”

Nanlaki ang mga mata   ni Tito Noel sa narinig.

“Huwag kang manini­wala, Noel,” sabi ni Raquel. “Gumagawa lamang ng kuwento ang mga ‘yan para mapagtakpan ang mga ninakaw nila sa atin. Mga magnanakaw ang pa­mang-kin mong ‘yan!”

Naningkit ang mga mata ni Tito Noel. Tala­gang galit sa amin. Sabi ko na nga ba at naunahan itong pagsum­bungan. Nagtahi-tahi ng kuwen­tong masama. At palagay ko hindi pa nito alam ang tungkol sa sulat ng katak­silan.

“Akala ko, matino ka­yong dalawa, Flora at Ara. Yun pala katulad din kayo ng inyong ina!” sabi ni Tito Noel.

Para kaming sinampal ni Ate Flora. Inihalintulad pa kami sa aming ina.

“Wala po kaming kasa­lanan, Tito. Ang asawa mo po at anak ang malaki ang kasalanan sa iyo. May lalaki po ang asawa mo    at ang anak mong si Mi­chelle ay nagpaabort ka-ma­kailan lang.”

Hindi nakasagot si Tito Noel. (Itutuloy)

NOEL

SHY

TITO NOEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with