^

True Confessions

Ate Flora (50)

- Ronnie M. Halos -

NANGILABOT ako sa mga sinabi ni Tita Ra­quel. Menor-de-edad pa lamang ako pero alam ko nang isang mor­tal na kasalanan ang naiisip niyang ga­win sa sariling anak. Ipaa-abort ang dina­dala ni Michelle. Ganito na ba talaga kasama si Tita Raquel na pati ang walang malay na dugo sa sinapupunan ay pa­patayin. Nanindig ang aking balahibo.

Patuloy akong naki­nig sa usapan ng mag-ina. Wala silang ka­malay-malay na bis­tado ko na ang kanilang lihim at ang mga balak pang gawin. Nasimulan ko na rin lang ang paki­kinig e di sagad-sagarin ko na. Saka ko na lang sasabihin kay Ate Flora ang lahat ng aking mga natuklasan. At palagay ko, mas kikilabutan si   Ate kapag nalaman ang gagawin ni Tita Raquel   sa dinadala ni Michelle.

Narinig ko ang mala­kas na pagsasalita ni   Tita Raquel. Desidido na talaga siya sa gagawin. Wala nang makapipigil pa.

“Bukas e aalis tayo nang maagang-maaga. Kailangang walang ma­kakita sa atin.”

“Saan tayo pupunta, Mommy?”

“Sa manghihilot.”

“Saan ‘yon?”

“Sa Sta. Cruz. Sandali lang ay wala na ang pro­blemang ‘yan.”

Muling umiyak si Mi­chelle. Nguyngoy nang nguyngoy.

“Tumigil ka nga sa pag-iyak mo. Kasalanan mo rin kaya ka nabuntis. Masyado kang malandi!”

Umiyak pa si Michelle.

“Kaysa ipakasal ko kayo ng putang-inang Jake na iyon, ipalaglag na lang ‘yan. Akala ng hayop na lalaking iyon   ay maghahabol tayo sa kanya. Gago siya. Mas may makikita ka pang matino kaysa kanya at saka mayaman. Akala yata e siya na lang ang guwapo.”

Tumigil sa pag-iyak    si Michelle. Siguro ay unti-unti nang nahihi­ka­yat ng ina sa gagawing pagpapa-abort. Nabi-brainwash na. Muli ay nanindig ang aking bala­hibo sa gagawing pagpa­pa­-abort. At bakit kaya alam na alam ni Tita Ra­quel na nasa Sta. Cruz ang manghihilot o magla­laglag. Hindi kaya, nag­pa­laglag na rin siya? Po­sible dahil mas ma­dalas din ang pakiki­pagtagpo nito sa ka­laguyo.

“Kailangan pagda­ting ng daddy mo e wala nang mabakas diyan sa puson mo. Sabi ng daddy mo e baka bigla siyang umu­wi. Marami na raw kasi siyang perang na­iipon.”

Lalo akong kinila­butan nang marinig na darating si Tito Noel. Siguro ay dapat ka­ming magpasya ni Ate kung isusumbong na ang mag-ina sa gina­gawa ng mga ito. Para makaganti na rin sa pang-aapi na ginaga­wa sa amin.

(Itutuloy)

MICHELLE

SHY

TITA RAQUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with