^

True Confessions

Ate Flora (27)

- Ronnie M. Halos -

“O ano ang tinitingin-tingin mo Flora?” ta­nong ni Tita Raquel na naka-arko na na­man ang kilay. Ang malam­bing na pagsa­salita kanina nang kausap si Tito Noel ay napalitan nang ani­mo’y machine gun sa ratrat ng pagsasalita.

“Wala po, Tita Ra­quel.”

“Narinig n’yo sigu­ro ang mga sinabi ko kay  Noel ano. Akala n’yo porke sinabi ko ang mga iyon ay okey na kayo rito. Hindi ko lang siya kayang mu­rahin pero kung ako ang masusunod ayaw ko kayo rito!”

Hindi ko na maga­wang lulunin ang huli kong isinubo. Napa­kahusay palang mag­kunwari ni Tita Raquel sa kanyang asawa. Na­­paniwala niya si Tito Noel sa kanyang mga nilubid na salita. Siyem­pre, hindi naman na­ kiki­ta ni Tito Noel ang kala­gayan namin kaya pa­ni­walang-pani­wala siya na maayos kami rito.

“Akala n’yo totoo ‘yon ha? Sinabi ko lang iyon para wala nang tse-tse buretse. Punye­ta kayo, bilisan niyo  ang pagliligpit ng kinai­nan n’yo at marami pang labahin sa laundry. Ikaw Ara, doon ka sa banyo maglinis ha?”

“Opo,” sagot ko at si­nimulang ligpitin ang pinagkainan namin.

“Ikaw Flora, pagbu­tihin mo ang paglala- ba ha? Baka maha­wa­han ang damit ni Mi­chelle at Marlon. Ta­tamaan ka.”

“Hindi po Tita Ra­quel.”

“Sige na. Kilos na. Teka nga pala, tapos n’yo na bang linisin ang salas?”

“Tapos na po Tita.”

“Sige, kilos na!”

Nagtungo si Ate sa laundry at ako naman ay hinugasan ang mga plato. Pagkatapos hu­ga­san, ang banyo na­man ang nilinis ko. Ka­ilangan daw, malinis   na malinis ang banyo.

Dakong hapon, na­pansin kong maraming nag-uusap at nagtata­wanan sa salas. Pa­wang mga lalaki. Sinilip ko. Sina Marlon pala at ang mga kasinggulang din niyang lalaki. Nag-iinuman sa salas. Mga lasing na ang ilan.

Maya-maya naman ay ang mga barkada ni Michelle ang dumating. Sa kuwarto ni Michelle sa second floor nagtu­ngo ang grupo. Si Tita Raquel naman ay hin­di ko makita kung na­saan. Itatanong ko sana kung ano ang gagamitin kong pam­paputi sa  toilet bowl. Baka na­tutulog.

Hinanap ko si Ate sa laundry. Nang ma­ki­ta ko, nagulat ako sa tambak ng labahin niya.

“Nasaan si Tita Ra­quel, Ate?”

“Lumabas ng ba­hay. Nakita kong na­ka­bihis. Nasilip ko rito sa bintana ang pag­labas sa gate kanina pa…”

Kaya pala parang mga daga sina Mi­chelle at Marlon — wala pala ang pusa.

(Itutuloy)

vuukle comment

SHY

TITA RA

TITO NOEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with