^

True Confessions

Anay (79)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni E.A.E.)

ANG mga walang-hiya at magkatulong pa lang sa panlilinlang sa akin. Si Gil na akala ko ay totoo ang salo­obin sa akin ay masa­ma pala ang tangka. Hindi totoong mahal ako. At ang walang­hiyang matrona ay kasapakat.

“Ang husay mong mambola, Gil. Bilib na talaga ako sa iyo.”

“Ikaw lang ang wa­lang bilib sa akin, Mi­ling. Akala mo kasi wa­lang laman ang utak ko.”

“Hindi naman sa ga­noon, Gil. Ang ini­isip ko lang kasi ay baka mabuking ka ni Eloi na ang pera niya sa ATM ay nalimas mo na at naisalin sa sarili mong bankbook.”

“Hindi makakaha­lata yun Miling. Tange­ngot e!”

“Ha-ha-ha!” mala­kas na tawa ni Aling Miling.

“At alam mo ba ang bago kong pinagaga-wa sa kanya, Miling?”

“Ano yon Gil?”

“Sabi ko huthutan pa niya ng pera si Kuya Mike niya. Kapag hindi nagbigay e isumbong na niya sa asawa.

“Ha-ha-ha!” mala­kas pa ring tawa ng matrona. Tuwang-tuwa sa nangyari sa akin.

“Sa palagay mo Mi­ling, makahirit pa si   Eloi ng pera sa Mike na iyon…”

“Oo. Maraming pera si Michael. Kilala ko ang taong iyon.”

“Talaga?”

“Mayaman ‘yun.”

“Dapat lang pala na huthutan pa siya ni Eloi.”

“Kawawa yang ba­baing yan ano, Gil. Ku­mabit kay Mike at tapos ay sa’yo. Makati rin ano?”

“Kasing kati mo, Mi­ling…”

“Hoy at least ako ka­hit ganito, mahusay magpaligaya. Baka ang Eloi na iyon e isang po­sisyon lang ang alam,”

“Ha-ha-ha!” tawa ni Gil.

Ako naman ng mga sandaling iyon ay pa­tuloy sa pakikinig sa dalawa. Kahit na pu­numpuno ng galit ang dibdib ko at malapit nang sumambulat ay naga­wa kong kontrolin ang sarili. Paano ko malala­man ang mga susunod pa nilang gagawin kung hindi ko sila paki­king­gan. Kailangang mala­man ko ang mga mo­dus operandi nila. Pa­lagay ko marami pa silang gagawin para magkapera.

“Teka, Gil ako ba talaga ang mahal mo?” tanong ni Matrona at hinalikan si Gil sa pis­ngi. Bahagyang umi­was si Gil.

“Ilang beses ko nang sinagot ‘yan.”

“Hindi ko narinig baka nasa banyo ako.”

“Ikaw lang ang ma­hal ko, Miling. Kahit na me edad ka sa akin, ikaw talaga ang loves ko.”

“Totoo?”

“Totoo. Ikaw lang talaga.”

“Paano ba natin ma­papalayas si Eloi dito  sa kuwarto at nang wala na tayong problema.”

“Hihintayin ko lang ang another P100 thou na ibibigay ni Mike kay Eloi. Kapag binigay na niya, palayasin na natin si Eloi. Sipain   na natin palabas.”

“Problema kung paano siya paaalisin, Gil?”

“Bakit?”

“Nag-advance ng bayad sa akin si Mike para kay Eloi.”

“E di isauli mo.”

Ako ay nanana­ti­ling nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. At nag-iisip na rin ako ng paraan kung paano makakaganti sa dala­wa. ‘Yung ganti  na hin­di nila malili­mutan.

(Itutuloy)

AKO

ELOI

GIL

LANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with