^

True Confessions

Ulag (47)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni L.B.G.)

MAGKASABAY kaming lumabas sa eroplano ni Lea. Naglakad patungo sa Immigration. Pumila. Mas nauna siya sa pila.

“Sige Leo. See you.”

“Bye!” sabi ko na kina­mayan siya.

Inihatid ko siya ng tingin habang naglalakad palayo.

Nang matapos ako sa Immigration ay dere-de­ret­so na akong lumabas. Wala kasi akong bagahe. Ang dala ko lamang ay ang aking bag na sakba-tin sa balikat.

Paglabas ay hindi ako kumuha ng taxi na kara­niwang sinasakayan ng mga balikbayan. Sa halip ay bumaba ako sa hagdan at nakihalo sa mga taong patungo sa abangan ng bus. Isang bus na nakatigil at nag-aabang ng pasahero ang nakita ko. Hindi ko inalam kung ano ang signboard. Basta ang mahalaga ay makasakay ako.

Nang lumapit ang bus at tanungin ako kung saan bababa ay  hindi ako maka­sagot. Hindi ko alam kung saan.

“Dadaan ng Cubao ito ano?”

“Opo Sir?”

“Cubao ako.”

Tiniketan ako. Dumukot ako ng pera. May nakahan­da na akong pisong pam­bayad. Sa Riyadh pa la­mang ay nagpapalit na ako ng pera. Inaasahan ko nang ganito ang mangyayari.

Pagdating ko sa Cubao ay nagtungo ako sa Far-mers. Naghanap ng maka­ka­­inan. Pumasok ako sa isang sikat na hamburger chain. Pero nang nasa harap ko na ang inorder ay hindi ako makakain. Iniisip ko ang mga mangyayari. Paano nga kung maabot ko ang aking asawang si Mariz na kasama ang kanyang kalaguyo? Paano kung sa sarili pa naming bahay gina­gawa ang pagdungis sa aking dangal? Paano kung pati ang aming anak ay  na­kikita ang kanilang ginaga­wa?

Naisip ko naman ang pinayo ni Sam. Dapat daw ay cool lamang ako. Ma­ging positive. Napabun­tung­hininga ako.

Pinilit kong kainin ang hamburger na inorder ko. Kahit busog pilit kong inubos.

Nang maubos ay nag­lakad-lakad ako. Nang dakong alas-tres na ng hapon ay ipinasya ko nang umuwi. Bahala na kung ano ang maratnan ko.

(Itutuloy)

AKO

CUBAO

KUNG

NANG

OPO SIR

PAANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with