^

True Confessions

Ellang (147)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

MABILIS na kumilos si Dolfo para dalhin ako sa ospital. Hindi ko na ma-tiis ang saki.Talagang nararamdaman ko na ang paglabas ng aking anak. Dahil sa ingay ay nagising na rin sina Inay at Nanay Encar.

“Teka at tatawagin ko ang aking pamangking drayber,” sabi ni Nanay Encar.

“Huwag na po, Nanay Encar at marunong naman akong mag-drive,” sabi ni Dolfo.

Aba e sige nga. Narito ang susi ng Revo.

Mabilis na tumakbo     sa Revo si Dolfo. Si Nanay Encar at si Inay ay naka­alalay sa akin. Si Angela  ay nakatingin sa akin. Parang iiyak dahil noon lamang siguro nakakita nang buntis na isinusugod sa ospital.

Ilang sandali pa at parating na si Dolfo. Agad akong binuhat para dalhin sa Revo. Malakas si Dolfo kahit na manipis ang pangangatawan. Agad akong nailagay nang maayos sa Revo. Naka­alalay sa akin si Inay at Nanay Encar. Si Angela   ay katabi ng ama sa una­han.

Mabilis pero maingat mag-drive si Dolfo kaya madali kaming nakara-  ting sa ospital. Deretso   ako sa delivery room. Na­pausal ako ng dalangin sa Diyos na huwag akong pababayaan sa pagka­ka­taong iyo.

(Itutuloy)

DOLFO

INAY

NANAY ENCAR

REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with