^

True Confessions

Tropa ng militar idedeploy uli sa Metro Manila

-

SAN FERNANDO, La Union -- Sa pagpinid ng ikalawang bahagi ng 2007 Padyak Pinoy na hatid ng Tanduay sa pakikipagtu-lungan ng Wow Magic Sing at Air21, nagkaroon ng linaw ang pag-asa ni Baler Ravina ng Cool Pap sa overall individual title kasabay ng paglaho ng lahat ng pangarap ni Frederick Feliciano ng Vellum team na makatikim ng titulo sa summer sports spectacle na ito.

Inangkin ng national team member na si Ra-vina ang yellow jersey matapos ang Stage 6 na pinagwagian ni Sherwin Carrera ng Caltex.

Tinapos ni Carrera ang 213 kilometrong karera na nanggaling ng Laoag at nagtapos sa harap ng municipal hall ng bayang ito sa loob ng limang oras, pitong minuto at 30.10 segundo nang mag-isa nitong tinawid ang finish line.

Pinangunahan naman ng Star Carrier na si Henry Domingo ng Champion Team ang ikalawang gru-po na dumating makali-pas ang 1:46 minuto bilang stage runner up at ikatlo si Desi Hardin ng Caltex.

Kasama si Ravina sa ikalawang grupo na binu-buo ng 14 katao na tuma-wid ng finish line, may mahigit 11 minutong layo kay Arnel Quirimit, ang overall leader pagkatapos ng unang limang stage, kaya’t naagaw nito ang yellow jersey bago umak-yat ang karera sa Baguio ngayon para sa 80-kilo-metrong Stage 8 na da-daan sa Marcos Highway.

”Masaya ako dahil ngayon lang ako naka-kuha ng yellow jersey,” pahayag ng nakangising 25-gulang na si Ravina mula sa Umingan, Panga-sinan. “First time kong mag-overall, titignan ko kung anong magagawa ko. Hindi naman kasi ako masyadong magaling sa ahon,” dagdag ng miyem-bro ng road race sa national team  na hindi naka-lahok sa 2006 edition ng karera.

Si Ravina ay may kabuuang oras na 18-hours, 35-mi-nuto at 23 segun-do, 29 segundo lamang ang layo sa pumapanga-lawang si Re-nato Sem-brano ng Cossack Vodka at 1:03 minu-tong layo sa ikat-long si Irish Valenzuela sa isa pang Cossack rider para sa karera sa P50,000 individual champion purse.

Sa kasa-maang pa-lad, ang prologue Winner na si Frede-rick Feliciano ng Vellem Team ay na-aksidente na ayon sa race doctor na si Generoso Ablo ay nag-tamo ng dislocated collarbone sa kanan matapos magkadikit ang kanilang bisikleta ni Oscar Rendole ng Cool Pap sa parteng Sinait, Ilocos Sur.

Dineklarang ‘out’ na sa kerera si Feliciano gayun-din ang dalawa pang rider na naaksidente na sina Michael Pili ng Mail & More na nabugbog sa masama nitong pagkaka-semplang sa bayan ng Basoc at Joseph Salcedo ng Mail & More na na-injured ang kaliwang tuhod matapos sumemplang din.

Umahon mula sa ikali-mang puwesto si Emelito Atilano ng Cargohaus sa ikaapat na puwesto na may 1:51 minutong dis-tansiya na lamang kasu-nod si Quirimit na may 2:24 minutong layo sa yellow  jersey, Stage 3 winner Victor Espiritu ng Wow Magic Sing (2:56 behind) at defending champion Santy Barnachea na 3:06 minutes behind.

ARNEL QUIRIMIT

BALER RAVINA

CALTEX

CHAMPION TEAM

COOL PAP

COSSACK VODKA

WOW MAGIC SING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with