Sadik (ika-65 na labas)
December 30, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)
"SIGURADONG masaya tayo rito sa bahay kapag nagkatuluyan ang dalawa," sabi ko kay Susan.
"Sa palagay mo naman kaya, may gusto talaga si Sadik kay Tina?"
"Sigurado ako. Sa tingin pa lamang ni Sadik kay Tina, halata na siya."
"Si Tina ay aliw na aliw sa pakikipag- usap kay Sadik ano?" tanong ni Susan.
"Oo. Siguroy matagal na rin siyang nangungulila at gusto namang magkaroon ng paghihingahan ng sama ng loob."
"Sa palagay ko parehas silang naghahanap ng makakasama sa buhay."
"Sana nga ay magkatuluyan ang dalawa, ano Tony."
Nagyaya nga si Sadik sa ospital na pinaglilingkuran ni Tina pero nadismaya kami sapagkat wala si Tina. Ipinagtanong namin kung nasaan. Sagot ng isang tauhan niyang Bangladeshi, may sakit daw at nagpapahinga sa villa na tinitirahan nito.
"Aina villa?" tanong ko.
"Tahlateen St."
Alam ko ang lugar na iyon. Minsan nang nadaanan namin ni Sadik ang lugar na iyon nang naghaha-nap kami ng piyesa ng sasakyan.
Niyaya ko si Sadik na puntahan si Tina sa villa nito.
"Muskila, Antonio?"
"Mafi muskila," sagot ko. Parang natatakot kasi si Sadik na bawal ang gagawin namin na paghaha- nap sa bahay ng babae.
Wala pang kalahating oras ay nasa villa na kami ni Tina sa Tahlateen St.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended