^

True Confessions

Sadik (ika-42 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

HINDI na sumama si Sadik sa paghahatid ko kay Susan sa King Khalid International Airport. Kaya ko na naman daw. Mahigpit na bilin kay Susan na asikasuhin ang mga papeles pagdating sa Pinas at nang makabalik agad sa loob ng isang buwan.

"Hal tafhamani, Susan?" tanong ni Sadik kaninang pa- alis na kami sa bahay.

Hindi naintindihan ni Susan kaya ipinaliwanag ko.

"Aiwa Sadik."

"Mabutih. Sigeh balik kah agad parah tuwah si Antonio, okey?"

"Okey Sadik. Shokran cater."

Nang nasa airport na kami ni Susan ay mahigpit kong ipinaalala ang mga bilin ni Sadik. Huwag magsasayang ng oras sapagkat gusto ni Sadik na makabalik agad.

"Ang mga maaari mong maipagbiling gamit natin ay ipagbili mo na. Ang pera ay maidagdag sa gastusin mo sa pag-aayos ng papeles."

"Paano ang inuupahan nating bahay?"

"Sabihin mo sa may-ari na magma-migrate ka na sa Saudi," nakatawa ako nang sabihin iyon. "Sabihin mo rin na dollar na ang iyong magiging pera."

Nagtawa si Susan.

"Ikaw ba ang susundo sa akin dito sa airport?"

"Siyempre naman."

"Baka malimutan mo akong sunduin e mapanghal ako rito."

"Hindi."

"Ano ang mga dadalhin kong pasalubong sa iyo at kay Sadik?"

"Bumili ka ng suman at iba pang kakanin. Hindi naman bawal iyon. Ilagay mo lang sa transparent na plastic. Ibili mo lang si Sadik ng rattan na pamalo – pang-arnis ba. Magpapaturo raw siya sa akin ng arnis..."

"Iyon lang?"

"Oo."

Pumasok na si Susan sa loob.

(Itutuloy)

AIWA SADIK

ANO

BUMILI

KING KHALID INTERNATIONAL AIRPORT

OKEY SADIK

SABIHIN

SADIK

SUSAN

TONY Z

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with