^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-28 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

NOON ko nakita ang katapangan ni Inay kapag ang kapakanan ng kanyang anak ang nakasalalay. Kahit na nga yakap na namin siya ni Donna para mapigilan at huwag nang masundan si Mang Angel ay nagpipiglas pa rin para lamang ako maiganti. Sa nakita kong talim ng kanyang mga mata, desidido siyang tapusin ang kawalanghiyaan ni Mang Angel.

"Inay tama na po. Wala na si Mang Angel."

"Papatayin ko siya para hindi na maulit ang ginagawa niya."

"Inay tama na po! Huwag mo na siyang sundan."

Tila nakalma si Inay at ang nangyari sa akin ang napagtuunan ng pansin.

"Sigurado ka Che na hinipuan ka lamang ng walanghiyang iyon."

"Opo Inay. Pero kung hindi ako nagising baka pati ang keps ko ay kanyang nahipo."

"Manyak pala ang walanghiyang iyon."

Nang tingnan namin si Aling Maring ay walang kakibu-kibo. Namumutla. Tila hindi pa rin makapaniwala na magagawa ni Inay na undayan ng saksak ang kanyang asawa. Tulala sa mga nangyari.

"Pagsabihan mo ang iyong asawa Maring. Itinuring ko pa naman kayong kaibigan iyon pala aaswa-ngin niya itong anak ko. Kung hindi nagising si Che baka nagahasa na ito…"

Walang kaimik-imik si Aling Maring na para bang tinanggap na nga ang nagawang kasalanan ng asawa.

Lumipat kami sa aming kuwarto. Pagdating namin doon ay saka umiyak si Inay. Sinisisi ang sarili kung bakit naihabilin niya kami kina Aling Maring.

"Sigurado ka Che na ngayon lamang nangyari iyon."

"Opo Inay."

"Sigurado ka?"

"Opo."

Saka ikinuwento ko kay Inay ang mga tinging iniuukol sa akin ni Mang Angel kapag nakikitulog kami sa kuwarto nila. Sabi ko, hinuhubaran ako sa tingin ni Mang Angel. Nakatingin sa aking mga boobs na parang takaw na takaw.

(Itutuloy)

ALING MARING

BATAY

HUWAG

INAY

ITINURING

MANG ANGEL

OPO INAY

SIGURADO

TILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with